CAPRICORN AT CAPRICORN
Kapag magsasama sa pag-iibigan ang dalawang Capricorn, nakakabuo at naibibigay nila ang isang panibago at kapanabik-nabik na elemento sa buhay ng isa’t isa. Ang simbolo ng Capricorn ay ang Sea Goat, na palaging umaakyat nang pataas mula sa dagat hanggang tuktok ng bundok. Ito’y katangiang nasa sa kanila at napapalaki nila ang kanilang enerhiya at lakas patungo sa isang malakas at mabuting relasyon. Ngunit ang mga ambisyong ito sa buhay ay maaaring dahilan ng pagkakaroon nila ng mga pagtatalo na dapat naman nilang tingnan.
Nagagampanan nila ng maaayos ang kanilang mga papel pagdating sa pagpapanatili ng kanilang mabuting relasyon at maging sa kanilang tahanan. Ganunpaman, kailangan rin nila ng panahon upang magrelax at paaganin ang kanilang sobrang pagtratrabaho na kadalasang mayroon sila sa kanilang lifestyle. Tapat at matulungin, ang kanilang pares ay mapagmahal at devoted na hindi masyadong sobra, isang magandang timpla sa isa’t isa.
Sila ay career-minded. Ang kanilang focus at malakas na enerhiya ang dahilan upang sila’y maging mabagsik at magkaroon ng matigas na kalooban, ngunit madaling naaayos naman ito ng Capricorn. Mahusay ang kanilang komunikasyon at gustong matupad ang mga bagay nang magkasama. Malaki ang kanilang kapasidad sa pag-ibig, ngunit hindi masyadong nakapilipit sa kanilang emosyon kumpara sa ibang Signs sa Zodiac. Masaya nilang nire-resolba ang kanilang mga mahihirap na isyu, at handang magbigay ng espasyo sa kanilang kapareha upang ipagpatuloy ang kanilang mga personal na interes.
Nagkakainteres sila sa mga materyal na bagay na nakikita sa kanilang estado sa buhay. Nakahanda silang magtrabaho at magsikap upang gawing tahanan ang kanilang bahay, at hindi natatakot na ipakita ang bunga ng kanilang mga paghihirap. Ang mga makamundong aktibidad at responsibilidad ay pangunahin sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain, kaya importante sa kanilang dalawa magkaroon ng kasiyahan paminsan-minsan. Pwede nilang gamitin ang mga panahon ito upang magsaya at mag-enjoy minsan!
Nasisiyahan silang gawin ang mga bagong aktibidad at tinatapos ito. Ang pares na ito, na palaging konserbatibo, ay ginugugol ang kanilang oras at pera sa mga praktikal na mga aplikasyon at hinahanap ang mga resulta mula sa mga bagay na ito. Ang hindi natitibag na katangian ng Sea Goat ang nagpapatag sa kanilang pagiging magkapareha, pati na bilang matalik na magkaibigan.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Capricorn-Capricorn? Itoy’ ang kanilang dedikasyong alagaan ang kanilang personal at magkasamang mga responsibilidad. Matibay ang kanilang relasyon at magtatagal ito. Dapat na paminsan-minsan, magkaroon sila ng panahong magsaya at mag-enjoy upang maging matagumpay ang kanilang relasyon.