GEMINI AT ARIES Kanino bagay ang Gemini?
Nagkakaroon ng pisikal at intelektwal na koneksiyon kung mag-iibigan ang Aries at Gemini. Nananatiling positibo kahit sa kahirapan at gustong-gusto ng dalawang Sign na ito ang pag-iibigan. Ang dalawang signs na hiwalay ng dalawang pagitan sa Zodiac ay kadalasang may magandang komunikasyon at naiintindihan ang bawat isa. Gusto ng Gemini ang pagiging malaya at masayahin ng Aries. Maaaring magkaroon ng argumento kapag nararamdaman ng Aries na masyadong mahigpit si Gemini, o kung seseryosohin ng Aries ang pagiging flirtatious ng Aries. Maganda ang kanilang balanse. Gusto ng Aries ang mga bagong karanasan at gusto ng Gemini na pag-usapan ito. Mararanasan nilang magkasama ang mga bagay na hindi nila naranasan nang sila’y hindi pa nagtagpo.
Pareho silang may sigla at lakas, ganun din sa mga mithiin sa buhay. Ang Gemini ay mapag-isip at gusto na siya ang nagpapaliwanag, pinahahalagaan niya ang mga bagay na nakakapukaw ng intelektwal na kamalayan, pati na rin ang kalaayaan, at tinitingnan ang lahat ng angulo sa bawat argumento. Gusto naman ng Aries ang mga bagong adventure sa buhay at kayang bigyan ng Gemini ang kanyang sarili na matuklasan ang mga rason ng Aries sa mga adventure na ito, at nasusuportahan ito.
Kung ang Gemini ay pabago-bago, ang Aries naman ay diretso at hindi mapag-aalinlanganan; ito’y isang magandang kombinasyon, ngunit importanteng mabigyan ng Aries ang Gemini ng intelektwal na espasyo.
Dahil sa mga pagkakaibang ito, maganda ang kanilang pagsasama—napaparating nila sa bawat isa ang gusto nilang iparating sa magkaibang paraan. Ang mga mainit na pagtatalo ay pwedeng magpahusay sa kanilang relasyon—o magiba dahil dito. Kailangang maintindihan ng Aries na gustong-gusto ng Gemini ang maganda at mainit na pagtatalo, hindi para mang-insulto o maging dominante sa kanilang katunggali ngunit bilang pampatalas ng isip at talino.
Tinutulungan ng Gemini ang Aries na maabot ang kanyang mga gusto—taglay nito ang lakas para sabayan ang Aries sa pagiging mabilis at pagkakaroon ng mga kakaibang ideya! Pwedeng maging posible ang lahat para sa kanilang dalawa kung maiku-combine nila ang pagiging totoo, maalab na silakbo ng damdamin at talino. Ang dalawang Sign ay parehong may maraming mga interes, at ang maganda dito, pagkatapos ng isang mahaba at aktibong araw, maiku-kwento ng Aries ang lahat ng tungkol dito sa Gemini na gustong-gusto nito!
Sinisimulan ng Aries ang mga bagong plano—paglalakbay, laro o kahit anong nakaka-excite na ideya sa pagkakaroon ng date—at gusto naman ito ng Gemini, basta hindi lang sila pini-pwersa dito. Ang isa pang magandang dynamic sa dalawang Sign na ito ay ang mababang level ng kompetisyon. Gustong-gusto ng Aries ang kaluwalhatian at masaya ang Gemini para dito, na nagiging suporta para kay Aries. Mas mainam para sa kanila ang pagsisimula ng mga bagay, kaysa sa tigilan ito, kaya kung isa sa kanila ang nagiging bored sa kanilang relasyon, ang isa sa kanila naman ay hindi pipigilan anuman ang tatahakin nilang bagong landas sa relasyon.
Ang pinakamagandang aspeto sa Aries-Gemini na relasyon? Ang kanilang abilidad na gawin ang mga bagay na magkasama bilang isa. Mas marami silang matututunan ng magkasama kaysa sila’y nag-iisa.