GEMINI AT GEMINI
Kapag dalawang Gemini ang magsasama, para itong apat na tao na naging buo (Ang Gemini ay sumisimbolo sa Kambal). Ang relasyong ito ay hindi magiging payak lamang o walang kabuhay-buhay, na isang magandang katangian—dahil ang dalawang ito ay madaling ma-uyam! Dahil parehong kailangan nila ng intelektwal na sigla at palagiang pag-uusap, naipapaabot nila sa bawat isa ang kanilang mga bagong ideya at teorya. Ang Gemini ay nangangahulugan ng kalayaan at ibat’ ibang expression, at mararanasan ito ng sagad ng dalawang Gemini.Sa iba, mahusay maging kasama ang magkasintahang Gemini—napapasigla nila ang bawat party o anumang kasiyahan gamit ang kanilang talino at husay sa pagbibigay kasiyahan. Magiging masaya at parehong makakapagbigay kasiyahan sa kanila ang kanilang relasyon kung maiiwasan nila ang kompetisyon at magtulungan na lamang. Gusto ng mga Gemini na maging mapaglaro at magbitaw ng mga pabiro at mga salitang nangungutya. Ito’y masaya, ngunit maaaring dahilan ito na hindi seryosohin ng isa, o nilang dalawa ang kanilang relasyon! Sa isang mainit na pagmamahalan, siguradong may lugar para sa pagseseryoso na matutunan din naman ng Gemini. Kung pareho nilang mabibigyan ng atensyon ang kanilang mga damdamin kaysa sa mga sariling saloobin at talino, siguradong mapapahusay pa nila ang kanilang pag-iibigan.Mahilig ang Gemini sa mga ibat’ibang lugar at paksa sa pag-uusap--ngunit maaaring ma-misinterpret ito ng iba bilang tsismis at paninira sa kanila. Dapat gamitin sa mabuting paraan ang kanilang talento dito.
Ginagamit ng Gemini ang kanyang talino kaysa sa emosyon sa pakikisalamuha sa ibang tao at sa kanilang kapareha. Ang maliit na atensyon na naiibibigay ng Gemini sa mga bagay ay nakakapagod sa kanya, ngunit sabay na napapagod ang magkasamang Gemini sa kanilang relasyon. Ganunpaman, ang pagiging malikhain ng Gemini ay makakalikha ng panibagong bagay na gagawin.
Ang pagiging flexible at relaxed ng Gemini ang dahilan para maging perpekto ang kanilang pagsasama. Alam ng dalawa ang pagiging mapagbigay; ang dalawang sign na pabago-bago ay malimit lamang magkaroon ng pagtatalo. Maaaring magkaroon ng seryosong pagtatalo ang dalawa kapag merong diskusyon na napabayaan o napalaki; ganunpaman, agad na nalalaman ng Gemini kung paaanong walang halaga ang pagtatalo—at ng pag-aaway.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa Gemini-Gemini na relasyon? Ang malaking intelektwal na enerhiya nilang dalawa at ang naibibigay nilang sigla para sa bawat isa. Naiiligtas nilang ang bawat isa mula sa simpleng buhay sa mundo. Mas nakakapagbigay sila ng saya sa mundo at naaabot ang mga mithiin nang magkasama kaysa sa mag-isa.