GEMINI AT LEO
Kapag nagsama at mag-iibigan ang Gemini at Leo, ang kanilang relasyon ay mapaglaro at masiglang-masigla, na nailalarawan ng pagiging magaan at positibo. Umuunlad ang Gemini sa mental na aktibidad kaya naaakit ito sa pagiging malikhain at madamdaming Leo. Maaaring magkaroon ng problema ang dalawa; Kung masyadong seseryosohin ng Leo ang pagiging outgoing at flirtatious ng Gemini, o kung iisipin ng Gemini na kinokontrol ng Leo ang relasyon, magkakaroon ng mga argumento.
Kahit na magkaiba ang kanilang pamamaraan sa buhay—ang Gemini na gustong suriin ang lahat sa pamamagitan ng intelektwal na pag-uusap habang ang Leo, hindi ito kailangan at gustong mag desisyon ng agad-agad— bagay ang dalawa.
Parehong may maraming lakas ang dalawa. Gusto ng Leo na kasama sa anumang bagay, pakikipagsapalaran man o pagliliwaliw; gusto ng Gemini na makapag-isip ng mabilis. Ang diretso at hindi mapag-aalinlanganan na Leo ay matutulungan ang Gemini na makapag-desisyon kung mag-aalangan sila—pero dapat hindi maging mapag-utos ang Leo, ikaka-turn off ito ng Gemini. Parehong magaling sa pakikipag-usap ang dalawa dahil magkapareho din ang kanilang mga impluwensya; nagkaiba lang sila ng pamamaraan sa pagpapahiwatig ng sarili. Posibleng magkaroon sila ng mga mainit na argumento o pag-aaway, na para sa Gemini ay nakakaaliw at nakakapukaw ng intelektwal na pag-iisip, seryoso naman ito para sa Leo at maaring ikasakit nito.
Madali lamang para sa Gemini na makipagsabayan sa pagiging energetic at malikhain ng Leo. May pagka-emosyonal ang Leo, at nakukuha ng matalinong Gemini ang kanyang mga mensahe. Ang pinakamaganda sa lahat, maaaring maging energetic at aktibo ang araw ng Leo—at maiku-kwento niya ito sa Gemini pag-uwi ng bahay sa gabi.
Matigas ang kalooban at hindi natitinag ang Leo, isang mabisang lider at may paninindigan sa kanyang ideya o direksiyon. Nakikita nila ang resulta kapag buo na ang kanilang isip. Flexible naman ang Gemini, madali lang silang ma-uyam at hinahayaan ang Leo na mamuno. Gusto ng Gemini na maging lider sa kanilang sariling saloobin. Masaya silang sumusuporta, at kuntento sa kanilang mga ideya at saloobin habang gusto ng Leo ang kaluwalhatian.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Gemini-Leo? Ang kanilang masiglang pananaw sa mundo. Maaaring maging matagumpay ang kanilang relasyon dahil sa kanilang pagiging positibo at pagiging adventurer.