GEMINI AT VIRGO
Kung ang Gemini at Virgo ang mag-iibigan, importanteng matutunan nila ang pamamaraan sa buhay at pag-ibig ng bawat isa—at alalahanin na may saysay upang gawin ito! Sinisimbolo ng Gemini ang Kambal; nakikita nila ang dalawang bahagi ng istorya at pwedeng mag-alangan na gawin ang dalawang aksyon at parang may dalawang personalidad! Mapapatibay ang kanilang relasyon kung mabibigyan ng matatag na Virgo ang insang Kambal ng isang matatag na emosyon habang nahahayaan ang isa pang kambal sa kagustuhan nitong kumilos ng mabilis. Maaaring maging demanding at seryoso ang Virgo para kay Gemini, lalo na sa mga unang araw ng kanilang relasyon, bago maging committed ang Gemini. Magiging maganda ang daloy ng lahat kung maging pasensyoso ang Virgo.
Magkaibang-magkaiba ang pamamaraan sa buhay ng dalawang Signs at pwedeng mahirapang magkasundo—lalung lalo na dahil sa pagiging kritikal at mahirap kausap ng Virgo. Ang pagiging sobrang praktikal ng Virgo ay salungat sa pagiging pabagu-bago ng Gemini. Ganunpaman, marami silang matututuhan sa sa bawat isa. Matuturuan ng Virgo ang Gemini na mas ma-appreciate ang buhay at makita ang panloob na detalyeng mga ideya kesa sa panlabas nito. Mabibigyan naman ng Gemini ng kasiyahan at excitement sa buhay ang Virgo.
Gusto ng Virgo ang maasahang kapareha kaya ginagamit nito ang malaking pagkagusto sa malinaw na komunikasyon upang makabuo ng perpektong relasyon. Mas nakatuon sa intelektwal na bagay ang Gemini kaysa sa Virgo pero meron ding kakayahan na makihalubilo sa iba.
Praktikal, diretso at tamang-tama ang Virgo. Natatanog niya, “Paano nito matutululungang maaabot ang aking mithiin sa buhay?” habang ang Gemini na dumedepende sa kanilang katalinuhan ay hindi nakatuon sa kung saan siya paunta kundi kung saan siya ipupunta ng kanyang isip. Ang pagka kritikal ng Virgo at ang pagiging tahimik ng Gemini ay maaaring makalikha ng problema sa dalawa. Kailangang maintindihan ng Virgo na hindi na naaapektuhan ng pagka-flirtatious ng Gemini ang kanilang relasyon, at kailangang maibigay ng Gemini ang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng salita at gawa.
Parehong flexible ang dalawang Sign; kaya nilang mag-adapt sa anumang sitwasyon. Ganunpaman, maaaring pabagu-bago ang dalawa, ang Gemini dahil sa kanilang walang tigil na pag-iisip at ang Virgo, sa pag-aanalisa ng mga bagay kaysa aksyonan ito.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Gemini-Virgo? Ang seguridad na naibibigay ng dalawa sa isat’ isa--kung hahayaan ng Virgo na makipag-commit ang Gemini sa kanilang relasyon. Kung makikipag-usap at mabisang magagamit ang kanilang Mecury powers, magiging magaan ang kanilang relasyon.