Bagay ba kami Leo at Leo? Magkakatuluyan ba kami ng minamahal ko habang buhay?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

LEO AT LEO

Kapag nagsama ang dalawang Leo sa isang tambalan ng pag-iibigan, nakakakuha sila ng napakaraming atensyon. Ang iba ay napapatigil sa paghinga kapag napapansin sila. Tila sadyang para sa isa’t isa ang dalawang nakakamangha, malikhain, at mapagkaibigang indibidwal na ito. Hindi mapapantayan ang kanilang kombinasyon pagdating sa pakikipagkaibigan, pamumuno sa grupo, o kahit pagtataas ng morale ng ibang tao pagdating sa pag-ibig. Ang pares na ito ay agad na naakit sa kagandahan ng bawat isa, at walang ni isa sa kanilang nahiyang ipahiwatig ang kanilang pagkagusto.


Dahil ang Leon ang Hari ng Gubat, ang kombinasyong Leo at Leo ay dumadagundong sa dami ng enerhiya at kasigasigan ng dalawang likas na pinuno. Gayunman, ang parehong silakbo ng damdaming ito at pagiging bossy ang kailangan nilang paamuhin upang panatilihing maayos ang kanilang pagsasama. Ang tambalang ito, na gustung-gusto ng kasiyahan, ay nasisiyahan sa magagandang bahagi ng buhay at hindi magdadalawang-isip na magpakita ng magagandang panahon sa isa’t isa. Maaaring maging madrama ang mga bagay-bagay, at tinutugunan ng Leo ang pangangailangan ng isa pa sa tuluy-tuloy na atensyon.


Ang mainit na damdamin ng dalawang Leon ay hindi mapipigilan. Ang kanilang Apoy, kasama ang kanilang tiwala sa pisikal na aksyon (sa halip na emosyonal o intelektwal) ang dahil kung bakit handa sa anumang pagbabago ang relasyon. Maaaring maging kapakipakinabang ng malakas na enerhiyang ito kung maiiwasan lang ang mga kapahamakan. Maaari itong maging ‘pinakamabuti o pinakamasama sa lahat’ dahil magpapalipat-lipat ang kanilang relasyon sa pagitan ng lubos na pag-iibigan at walang pagpapahalaga. Kailangan ng magkasabay na pagsisikap mula sa dalawang bahagi upang magkaroon ng fluidity ang relasyong ito, ngunit ang pangangailangan ng Leo ng tuluy-tuloy na atensyon at paghanga ang maglalapit sa kanilang dalawa.


Palaging may agawan ng kapangyarihan kapag nagsama ang dalawang Fixed na katangian. Ang rasyonal at mapakaibigang bahagi ng pagkatao ng Leon ang magpapahintulot sa tambalang ito na ayusin ang kanilang mga pagkakaiba kung gugustuhin lang talaga nila. Magsasagawa ng mga konsesyon ang bawat isa, ngunit paminsan-minsan lang. Maaaring mabilis at madalas na sumabog ang mainit na ulo ng Leo, ngunit madaling malimutan ng dalawang ito ang mga alitan upang magpatuloy ang mabubuting panahon.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Leo? Ang kanilang nakakamanghang kakayahan na magsaya at kayamanan sa pagiging malikhain. Walang tigil ang masasayang araw. Ang dalawang ito ay tambalang walang katulad dahil sa kanilang pakikipagkaibigan, at kakayahang aliwin at patawanin ang isa’t isa.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.