Bagay ba kami Libra at Capricorn? Sino makakatuluyan ko o magiging asawa ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

LIBRA AT CAPRICORN

Kung magsasama sa pag-iibigan ang Libra at Capricorn, magiging magandang magkasama ang dalawa--kung mabubuksan nila ang kanilang minsa’y mahirap hanapin na mga pagkakapareho. Sa panlabas, magkaiba ang dalawa: Habang ang Capricorn ay tahimik lang, ang Libra naman ay mahilig makisalamuha sa ibang tao. Para sa Capricorn, importante ang pagsisikap sa trabaho para sa paglago ng karera at recognition; Concerned ang Libra sa kagandahan ng mga bagay, sining, at balanse sa buhay at mga relasyon. Ngunit hindi ibig sabihin nito na wala silang mapagkakasunduan.


Sa mga problema, kailangang pag-isipan nila ng mabuti ang kanilang magiging papel dito dahil parehong gusto nilang pamunuan ang pagresolba nito. Magkaiba ang kanilang pamamaraan: nag-iisip at intelektwal ang Libra, ngunit para sa Capricorn, gagawin nito ang lahat makamit lang ang tagumpay. Kung maiintinidihan nila ang istilo ng bawat isa, makakamit nila ang kanilang mga gusto nang magkasama kaysa mag-isa.



Pinamumunuan ng planetang Venus (Pag-ibig) ang Libra at planetang Saturn naman ang namumuno sa Capricorn, na malamig, may katigasan ang kalooban, at masculine. Walang gaanong pagakakapareho ang mga planetang ito kaya kailangan ng dalawang Sign na mapagtagumpayan kanilang mga pagkakakaiba. Naeengganyo ng Venus ang Libra na maghinay-hinay at lasapin ang kagandahan ng mga bagay sa paligid at romansang naibibigay ng buhay; maaaring iisipin ng Capricorn na ito’y katamaran, na naiimpluwensyahan ng Saturn na magkaroon ng determinasyon na harapin ang lahat ng pagsubok at magtagumpay sa kanilang goals. Maaaring magkaroon ng mga alitan at mga tinatagong emosyon sa pagitan ng dalawang planetang ito, maliban na lang kung gagawa ng pinagsamang effort ang Libra at Capricorn para dito, na maunawaan at tanggapin ang kanya-kanyang focus sa buhay ng bawat isa. Kailanganng alagaan ng Capricorn na hindi madiscourage ang Libra sa kanilang natural na sigla at pagiging positibo, at kailangang gamitin ng Libra ang kanilang natural na diplomasya para mapanatili ang balanse sa Capricorn.


Umaasa ang Libra sa kanilang talino sa pagharap sa buhay; gustong-gusto nila ang kagandahan ng mga bagay sa kanilang paligid, kung saan may maraming opinyon din ang Capricorn tungkol dio. Umaasa rin sa kapangyarihan ng utak ang Capricorn, ngunit naiiba sa Libra; gusto nilang praktikal sila sa lahat ng kanilang ginagawa, at maaaring maramdamang wala silang panahon sa mga bagay na hindi gaanong importante. Kung magkasama nilang pagtratrabahuan ang lahat, makakabuo sila ng dalawang bahagi ng isang bagay.



Parehong tagasimula ang dalawang Sign, ngunit sila’y may kanya-kanya at magkaibang istilo sa lahat ng bagay at magiging mas maganda sa kanilang magkaroon ng partikular at naaayon na papel sa mga bagay na ito. Sa mga problema, ang Libra ang mauunang aatras, na ikakasiya ng Capricorn (na gustong maging tama!). Importante sa kanilang dalawa na maintindihang ang kompromiso ang susi sa kanilang tagumpay.



Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Libra-Capricorn? Nailalabas nila ang kanya-kanyang katangian sa kanlang relasyon. Kung hahayaan nila ang bawat isa na maging sila--kaysa sawayin at kalabanin ito--magiging maganda ang kanilang blending. Maraming pagsubok ang kanilang relasyon, ngunit matututunan nila ang bawat isa kung mapapanatili nila ang effort na maunawan ang bawat isa.



About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.