CANCER at LIBRA
Kung mag-iibigan ang Cancer at Libra, naibibigay nila sa bawat isa ang mga importanteng bagay na wala sa kanila. Parehong hanap ng dalawa ang sigurado at may seguridad na relasyon at mai-enjoy ang parehong kagustuhan sa mga magagandang bagay at luho-- lalung lalo na sa kanilang buhay-pamilya. Napagsasama ng dalawa ang kanilang mga lakas kung gugustuhin nilang makuha ang kanilang parehong gusto. Kahit na magsisimulang mabagal ang progreso nila kumpara sa iba, at matatakot na kunti lang ang kanilang mga parehong kagustuhan maliban sa pangangailangan nang makakasama at pagkagusto sa kagandahan ng paligid. Ganunpaman, magiging maganda ang lahat sa kanila kung makikilala nila ng lubusan ang isat’ isa, at irerespeto ang magagandang katangian na taglay ng bawat isa.
Hindi sila mahihiyang ipagsama ang kanilang emosyon at talino, at parehong may mga sentimental na mga sandali din para sa kanila. Ang sentimento at kaligayahan ay importante sa kanila, at maraming paraan para sila’y magkaunawaan at magkaintindihan. Nagugustuhan ng Cancer ang ganda at katahimikan ng Libra, at nasusuyo naman ng Libra sa kanyang kalma, palakaibigan, at swabeng paraan tungo sa Cancer. Nagugustuhan din ng Libra, na humahanga sa kagandahan at harmony, ang pagiging maalaga ng Cancer para sa isang komportableng tahanan at seguridad dala nito. Maibibigay ng Libra sa emosyonal na Cancer ang mga payo nito sa mga sitwasyon. Kailangang makita ng Cancer ang bawat anggulo ng isang isyu, kung hindi, maaaring makakalikha siya ng mga desisyon na hindi nalalaman ang katotohanan. Sa kabaligtaran, matutulungan ng Cancer ang Libra sa kanilang pabago-bagong desisyon.
Sa likod ng panatag at kaligayahan na kanilang makukuha, maaaring maging mapagmataas at snobbish ang mga Libra, na ginagamit ang kanilang talino sa pagharap sa buhay at ang Cancer, na madaling masaktan ang damdamin at tinitingnan ang buhay gamit ang kanilang emosyon.
Simbolo ng Tubig ang Cancer samantalang Hangin naman ang Libra. Isang mental na pakikipagsaparan ang buhay para sa Libra, habang nararamdaman at pisikal naman ito para sa Cancer. Nagiging masaya ang Cancer kapag napagbibigyan ang kanilang mga emosyonal na pangangailangan, habang nakatuon naman ang Libra sa mga bagay na nakakapukaw sa kanilang kaisipan. Magkakaroon ng problema kung magiging masyadong iritable ang Cancer o nakakairita ang Libra. Kailangang maintindihan ng dalawa na iba iba ang kanilang mga pananaw.
Magkakaroon rin ng mga struggle kung sino ang may kontrol at iba pang aspeto sa kanilang relasyon. Kung naiiirita ang Cancer sa pagiging pabagu-bago ng Libra, magagamit ng Libra ang kanyang charm at pagiging patas para sumang-ayon sa desisyon ng Cancer--basta hindi lang magiging crabby ang Cancer! Parehong gusto ng dalawa ang simulan ang mga bagay, na kung magkaiba ang kanilang ideya at pamamaraan, maaaring magkaroon ng kunting gusot.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Cancer-Libra? Ang kanilang parehong kagustuhan sa katatagan at balanse. Importante ang ganda ng sining para sa kanila at parehong gusto ang magagandang bagay sa buhay. Ang kanilang mga parehong gusto ang dahilan upang ang kanilang relasyon ay may dedikasyon at harmony.