CANCER at SCORPIO
Kung ang Cancer at Scorpio ang mag-iibigan, ang magiging resulta ay isang relasyong ipagsasama ang enerhiya ng dalawang Sign na may malalakas na emosyon. Ang ganitong mga Sign ay kadalasang nagiging maganda ang pagsasama, nababalanse nila ang lakas at kahinaan ng bawat isa. Mayroong malakas na sekswal na atraksyon ang dalawa, kaya magiging mainit ang kanilang pagsasama! Marami silang pagkakapareho at may potensyal upang mapanatiling mapusok at matatag ang kanilang relasyon. Gusto ng dalawa na magkasamang gawin ang mga bagay at gumawa ng komportableng lugar para sa kanilang dalawa: kailangan ng Cancer ang seguridad at kapangyarihan naman para sa Scorpio. Gusto ng dalawa ang mag-isip tungkol sa magagandang bagay, katulad ng negosyo at mga mana. Dahil parehong concerned sa tahanan at pagiging tapat sa kanilang pamilya, bagay na bagay ang dalawa. Isang manit at malalim na emosyonal na ehersisyo ang buhay ang human connection para sa kanila. Magiging malalim sila para sa isa’ isa, at may may malalakas na puwersa. Malakas sa kanila ang katapatan, dahilan pareho silang magkaroon ng emosyonal na seguridad. Habang nakatuon sa pamilya at tahanan ang Cancer, ang Scorpio naman ay nakatuon sa mga misteryo ng buhay, ang sikreto sa likod ng mga intensyon, at ang kapangyarihan na maari nilang magamit sa emosyon ng iba.
Madadala ng Scorpio ang Cancer sa mga pakikipagsapalaran sa buhay, at mabubuksan naman ng malaking puso ng Cancer ang emosyon ng Scorpio, at natuuruan ang kanilang mangingibig na Scorpio na hindi dapat katakutan ang damdamin. Dagdag pa nito, naa-apreciate ng Scorpio ang praktikalidad ng Cancer, at nai-enjoy naman ng Cancer ang pagseselos ng Scorpio--pruweba na mahal at pinahahalagahan sila nito.
Kapag may parehong kahilingan ang dalawa, matutupad ito. Ngunit kailangang mag-ingat kung magbabanggaan ang kanilang mga opinyon! Ang Cancer ang magsisimula ng argumento, na tatapusin naman ng Scorpio. Maaaring maging dominante ang Cancer sa kanilang dalawa, at mas natutupad ang kanyang mga kagustuhan, ngunit hindi ito palaging totoo. Minsan, mas gugustuhin ng Scorpio ang magparaya na lang. Wala sa kanilang dalawa ang gagamitin ang emosyon sa sukdulan upang maghiganti. Imbes na hayaang mapuno at kumulo ang kanilang hindi pagkakasunduan at hindi magandang damdamin, kailangang mapag-usapan ng dalawa kung ano ang mas importante sa kanila upang magkaroon ng magandang kompromiso. Kung matutunan ng dalawang pagkatiwalaan ang bawat isa, makukuha nila anuman ang gustuhin nila sa pamamagitan ng determinasyon. Hindi magtatagumpay ang kanilang pag-iibigan kung hindi nila mapagtatagumpayan ang kanilang tigas ng loob at salungat na mga opinyon.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Cancer-Scorpio? Ang kanilang malakas na teamwork kung magkakasundo sa kanilang goals. Kung maiisip ng Cancer na magtatagal ang Scorpio para sa kanya at ang kanilang relasyon ay emotionally productive, magbubunga ang kanilang relasyon. Ang kanilang determinasyon ang dahilan upang ang kanilang relasyon ay napakatatag.