Bagay ba kami Taurus at Scorpio? Magkakatuluyan ba kami sa habang buhay tadhana?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

TAURUS at SCORPIO

Sa pag-iibigang Taurus at Scorpio, ang pagsasama ay matindi, positibo o negatibo man. Sila'y magkasalungat na signs sa Zodiac, na nagbibigay ng espesyal at komplikadong connection sa kanila. Nagsasama sila para maging buo, ang kanya-kanyang lakas nila ay binabalanse ang kani-kanilang kahinaan. Hindi sila gaanong sexually attracted sa isat' isa! Marami silang pagkakapareho, pero dahil malalakas ang kanilang personalidad, karaniwan silang nagpapalit-palit sa pagitan ng mapusok na pagmamahalan at di pagkakaintindihan.


Pareho silang may mga malalim na pagnanais, ang Taurus sa mga ari-arian at ang Scorpio sa kapangyarihan. Hinahangad nila ang kayamanan, at parehong matindi at mapusok sa halos lahat ng bagay. Mas self-focused ang Taurus kaysa sa Scorpio, na mas pinahahalagahan ang kanilang pag-ibig at pamilya. Parehong nangangailangan ng seguridad sa relasyon, pero nagkakaiba na kaunti sa kanilang mga focus.



Habang pinahahalagahan ng Taurus ang katapatan at ayaw na ayaw ang pagtataksil, gusto naman ng Scorpio ang pagiging misteryoso. Para sa Scorpio, ang seguridad sa relasyon ay ang patuloy na pagtiyak na malakas ang kanilang emosyonal na koneksyon sa kanilang kapareha. Ang maganda dito, kailangan din ito ng Taurus-- at handa silang ibigay ito sa kaparehang Scorpio.


Ang Scorpio ay malalim--parang dagat, para silang tidal wave kung magalit. Kapag sila ay pinagtaksilan, humanda sa kanilang buntot na handang tumusok nang walang babala! Isang magandang bagay na ang dalawang Signs na ito'y tapat sa isat'isa. Habang open si Taurus, na halos lahat ay nakalatag tungkol sa kanya, ang Scorpio naman ay mas mapaglihim at hindi hindi gaanong maintindihan kung minsan. Pwede nilang turuan ang bawat isa sa kanilang magkasalungat na pananaw (diretso versus mahirap unawain). Ang isa pang factor na nakadagdag ng dimensyon sa pagsasamang ito ay kanilang parehong ugali ng pagseselos. Gusto ng Taurus na nagseselos ang Scorpio--ito'y nangangahulugang siya ay mahal din ng kapareha!


Pareho din silang Fixed Signs. Ito’y nangangahulugang pareho silang may matigas na kalooban at hindi nagpapatinag kapag nakabuo na ng pasya. Dapat sumang-ayon ang kani-kanilang pag-iisip—kung hindi, magkakaroon sila ng pagtatalo na hindi nila naranasan sa ibang Signs. Posibleng si Taurus ang magiging dominanteng partner, pero hindi ito parati. Maaaring manalo ang Scorpio sa pamamagitan ng mga palihis na paraan, tulad ng paggamit ng emosyon para makuha nila ang kanilang gusto. Kailangang pag-usapan ng magkapareha ang kanilang mga pananaw at maging bukas at magkaroon ng kompromiso kung gusto nilang magtagal at maging maligaya ang kanilang pagsasama. Ito’y naka depende sa kakayahan ng Scorpio na magtiwala sa Taurus. Babagsak lamng ang kanilang relasyon kapag paiiralin nila ang tigas ng kalooban.



Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Taurus- Scorpio? Ang kanilang makapangyarihang koneksyon na nagniningning kapag walang balakid sa pagitan nila. Magiging matagumpay ang relasyong ito kapag maiisip ng Scorpio na walang ibang gusto ang Taurus kundi ang magtagal ang kanilang pagsasama at hindi gagawa ng anuman na ikakahirap ng dalawa.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.