Bagay ba Leo at Aries? Magkakasundo o magkakatuluyan ba kami ng mahal ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

LEO AT ARIES

Kapag nagsama ang Aries at Leo sa isang tambalan ng pag-iibigan, magkikislapan ang paligid! Pareho silang Fire sign, madamdamin at handa sa anumang pagbabago, na may malakas na pagnanais sa mga mapagkaibigang paligsahan at pakikipagkompetisyon. Maraming aksyon sa relasyong ito. Pareho nilang gustong maging boss at maaaring magkaroon ng mga problema kapag pumagitna ang kanilang magkakasinglaking ego. Mayroon silang tunay na paghanga at paggalang sa isa’t isa, ngunit kailangan nilang matutunang magpalitan sa pamumuno at pag-uutos – kahit pa namimili lang sila ng pelikulang panonoorin!


Ang tambalang ito ay binubuo ng umaapoy na damdamin, dominasyon at kung sino ang nasa ibabaw – at kung kailan! Pareho silang maaaring mawalan ng pasensya at maging mapagmataas. Gusto ng Leo ang sinasamba at pinupuri, mga bagay na maaaring ayaw ibigay ng madaling mainip na Aries. Maaari ring mabahala ang Aries sa malanding katangian ng Leo – ngunit laging nakakasabik ang relasyong ito. Sa kabila ng kanilang pana-panahong matitinding pagkakaiba, madalas na tinitingnan ng Aries ang Leo bilang gabay o tagapayo. Ang Leo ay ang Leon, at kapag kasama ang Leo, maaaring maging tupa ang Aries. Tulad ng nasa myth (Ang Leon at Ang Tupa), anumang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito ay kaya nilang pangibabawan. Karaniwang iginagalang ng iba ang dalawang sign na ito at mahalaga na umiiral din ang paggalang na ito sa loob ng relasyon.


Ang Aries at Leo ay parehong Fire sign. May tendensiya ang relasyong ito na maging napakainit at madamdamin. Kapag nasa mabuti itong kalagayan, napakabuti nito. Ngunit kapag masama ang kalagayan ang relasyon, punung-puno ito ng sigawan at siraan. Sa tambalang ito, laging mayroong paligsahan sa kung sino ang mamumuno. At dahil hindi naman dapat tungkol sa kapangyarihan ang relasyong pag-iibigan, maaari itong maging problema. Mayroong hindi nauubos na enerhiya ang parehong sign, kaya pareho silang laging kumikilos. Bagama’t madalas silang magtalo, hindi nagtatagal ang pagkakaiba ng kanilang mga opinyon – masyadong abala ang Aries sa pagtuloy sa susunod na hamon para magkimkim pa ng galit. Kailangang maalala ng Leo na huwag maging maramdamin kapag hindi nagpapakita ng sapat na respeto ang Aries. Binibigyan ng Aries ang Leo ng lakas ng loob na sumulong at sumagpang ng mga pagkakataon, habang matutulungan naman ng Leo ang Aries na magpakatatag at ituluy-tuloy ang mga bagay. Maaaring masaktan ng Aries ang damdamin ng Leo paminsan-minan sa pamamagitan ng masasakit at ‘di-pinag-iisipang salita. Sa kabilang banda, maaaring mainis ang Aries sa katangiang mapag-utos at tendensiyang magdamdam ng Leo. Ngunit pareho silang matapat at maalagain sa isa’t isa, at kapag naunawaan nilang hindi kailangan ng boss sa kanilang relasyon, ito ay magiging kapana-panabik at labis na masaya.




Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aries-Leo? Ang mutwal na paghanga nila sa isa’t isa. Ang Aries ang tagapagsimula at ang Leo naman ang tagapagtuloy, kaya’t pareho silang may mahalagang tungkulin sa kanilang relasyon. Ang kanilang relasyon ay handa sa anumang pagbabago dahil sa kanilang mutwal na enerhiya at damdamin.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.