LEO AT LIBRA
Kapag nagsama ang Leo at Libra sa isang tambalan ng pag-iibigan, madaling magkasundo ang dalawa. Ang pagkakaroon ng isang sign sa pagitan ng dalawang sign sa zodiac ay nagbibigay sa kanila ng malalim na pag-unawa sa bawat isa. Kapag nagsanib ang walang katapusang enerhiya ng Leon at likas na kagustuhan ng Libra para sa pagkakasundo, nagiging balansyado ang relasyong ito. Ang Leo at Libra ay mga katangiang magkasalungat-- katawa-tawa laban sa tahimik, at prangka laban sa mapagmahal sa kapayapaan. Maaari silang magkaroon ng maayos na relasyon dahil pinahahalagahan at pinapakinabangan ng bawat isa ang mga positibong katangian ng isa pa.
Pinapahupa at pinapahinahon ng Libra ang kayabangan ng Leo. Bilang magkasintahan, napakabalansyado ng Leo at Libra. Nasa Libra ang alindog at kagandahang asal, na nagpapahupa sa prangka at nakakayamot na personalidad ng Leo. Ngunit mas mapagpasya ang Leo kaysa sa Libra. Matutulungan ng Leo ang kanyang kapares na magdesisyon nang mas madali at isagawa ang mga iyon, at maaari rin nilang ituro ang sining ng pagiging ispontanyo.
Kayang makipagsabayan ng Libra sa lakas at puwersa ng Leo, at madalas na tumutulong ang bawat isa sa mga proyekto ng kanilang kapareha. Kaya nilang magkaroon ng balanse at magtulungan. Kapag magkasama sila, kaya nilang gawin ang lahat, ngunit dapat silang maging mapagbantay sa mga damdamin at kagustuhan ng isa’t isa. Maaaring hindi umayon ang paraan ng Leo na nakatuon sa pag-aksyon sa pasibong paraan ng Libra. Maraming interes ang dalawa, at ang pangangailangan ng Leo na makilahok ang nagbibigay sa kanila ng mas maraming ikukwento kaysa sa mahiyaing Libra.
Nahihigitan ng tibay ng Leo ang mga panandaliang interes ng Libra bilang tagapagsimula. Kailangan nilang magtulungan upang maisakatuparan ang kanilang mga pangarap. Ang Leo ang magiging pinuno dahil sa kanyang lakas at likas na mapamuwersang katangian. Ang Libra ay tahimik na mamumuno mula sa intelektwal na perspektibang nakatuon sa buong team. Gusto ng Leo ang pagbibigay ng mga kautusan sa pamamagitan ng personal na pangingibabaw, habang hinahalina ng Libra ang iba upang gawin ang mga bagay. Masaya itong pahupain ang mataas na ego ng Leo. Mahalaga para sa Leo na maunawaan ang sakripisyo. Madaling magkompromiso ang Libra dahil kaya niyang tingnan ang parehong panig ng argumento. Ang Leo naman ay hindi bastang sumusuko.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Libra? Ito ay ang pagkakasundo dahil sa pagkakaisa ng Venus at Araw. Ang balanse sa pagitan ng sarili at ibang tao ay kinakatawan ng relasyong ito, na isang mahusay na karanasang mapagpupulutan ng aral ng parehong sign. Pinupunan ng isa ang kakulangan ng isa, kaya’t napakabagay nila para sa bawat isa.