LEO AT PISCES
Kapag nagsama ang Leo at Pisces sa isang tambalan ng pag-iibigan, nae-enjoy ng bawat isa ang bagong perspektibang dinadala ng kanilang kapares sa kanilang buhay sa pangkalahatan. Ang Leo ay isang malakas at mapaggiit na sign. Malaya silang gawin ang gusto nila at pinamumunuan nila ang kanilang kapaligiran. Ang Pisces ay mas tahimik, mas reserbado, at nakatuon sa sarili. Sa maraming paraan, ang dalawang sign ay direktang magkasalungat, ngunit pareho naman silang mga mapangarapin ang puso. Kapag nag-aalala sila para sa isa’t isa, pinupunan nila ang mga kulang sa isa’t isa at nagkakaroon ng mapag-aruga at mutwal na kapaki-pakinabang na relasyon.
Ang Leo ay isang natural na pinuno at madalas na tumatayong tagapagtanggol ng kanilang mas mahinang kapares, ang Pisces. Ang Pisces naman, sa kabilang banda, ay nagsisilbing tagapakinig na kailangan ng Leo para sa kanilang mga pangarap at pagtatanghal. Ang Pisces ay isang sign na, tulad ng Tubig ay, pumupuno sa anumang sisidlan na pagbubuhusan nito. Madalas na ibinibigay ng Pisces ang kanyang buong sarili sa kanyang kapares. Ang mabuting puso ay nagpapahintulot sa Isda na kilalanin ang Leo sa paraang hindi magawa ng ibang sign. Ang pagiging prangka ng Leo, kapag itinambal doon, ay hindi maituturing na pagyayabang, kundi ‘hindi masyadong mahiyain tulad ng Pisces.
Labis na sasaya at uunlad ang Leo at Pisces kung kikilalanin nila ang mga pangangailangan ng bawat isa, gamit ang maunawain at malikhaing paraan upang pagtuunan ng pansin ang mga usapin ng puso. Matutulungan ng Pisces ang Leo na matutong maging mapagkumbaba at isipin ang mga pangangailangan ng iba. Matuturuan naman ng Leo ang Pisces na lumabas at mag-relax nang kaunti. Ngunit maaaring maging masyadong emosyonal ang Pisces, at maaari nitong pahupain ang kasigasigan ng Leo. Sa kabilang banda, ang sobrang Apoy ay magpapakulo sa Tubig at iiwanang sunog ang emosyon ng Pisces. Kailangang magkaroon ng Leo at Pisces ng epektibong komunikasyon upang matiyak na napapanatili ang kanilang balanse.
Hindi mahusay na boss ang Pisces. Ang kanilang ultimong ikinatutuwa ay ang pagpapabuti sa buong daigdig, simula sa kanilang kapares. Ang Leo, sa kabilang banda, ay bumubuo ng mga ideya at nagmumungkahi ng mga pagbabago sa relasyon nang paunti-unti.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Pisces? Ito ay ang kanilang maluwag na pagtanggap sa mga itinuturo ng isa’t isa. Ipinapakita ng Pisces sa Leo kung paanong maging senstibo at mag-alala, at tinuturuan ng Leo ang Pisces na isakatuparan ang kanilang mga pangarap sa halip na umupo lamang at mag-isip. Ang kanilang kakayahan ang nagbibigay sa isa’t isa ng kani-kaniyang mga pangangailangan, at ito ang dahilan kung bakit tunay na mutwal ang kanilang relasyon.