Bagay ba Leo at Sagittarius? Magkakasundo at magkakatuluyan ba kami ng honey ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

LEO AT SAGITTARIUS

Kapag nagsama ang Leo at Sagittarius sa isang tambalan ng pag-iibigan, ang kadalasang resulta ay fireworks! Ang parehong sign ay handa sa pagbabago at ine-enjoy ang buhay hangga’t maaari. Punung-puno ng buhay at masayang kasama ang dalawang ito. Hinihikayat nila ang isa’t isa na mangarap nang mataas! Ang pilosopikal na tendensiya ng Sagittarius ay naggagarantiya ng paggambala sa obsesyon ng Leo sa mga bagay na hindi makatotohanan. Magkakaroon ng tunay na paghanga at paggalang ang dalawa sa isa’t isa. Pareho silang mainit, makarisma, at kaakit-akit. Gustung-gusto ng mga tao ang mapalapit sa enerhiyang inilalabas ng magkapares na ito.


Maaaring maging maiksi ang pasensya ng dalawa, ngunit nananatili silang mapagmahal sa isa’t isa. Maaaring mainis ang Leo sa paglalandi ng Sagittarius, ngunit walang nakakainip na oras sa kanilang relasyon. Nakikita ng Saguittarius ang daigdig bilang isang aklat na kailangan nilang pag-aralan, habang tumitindig ang Leo bilang mapagbigay na punong-abala. Pareho silang lubhang mabait, ngunit napakahalaga sa Leo na maramdamang sila ang kumokontrol ng pag-uusap. Ang Leo ay ang Leon, ang pinuno, habang ang Saguittarius ang Mamamana, na dahan-dahang pinag-aaralan ang kanilang target at nararamdaman ang kahit kaunting pagkakaiba ng kanilang mga pamamaraan. Ang dalawang sign ay kadalasang iginagalang ng iba, at mahalagang maalala nilang igalang din ang iba.



Ang relasyong ito ay may tendensiyang maging napakainit at madamdamin. Mayroon silang ‘di-nauubos na enerhiya, at lumalabas na sila lang ang may kakayahang sumabay sa kasidhian ng bawat isa. Bagama’t maaaring mapagod ang Sagittarius sa napakalaking ego ng Leo, hindi magtatagal ang kanilang mga alitan. Makakatuloy na agad ang Sagittarius sa susunod na proyekto, at ang optimismo at pangangailangan ng Leo ng tagahanga ang magiging daan upang malampasan ang anumang alitan.


Binibigyan ng Sagittarius ang Leo ng pang-unawang wala sa kanila, habang kayang pagandahin pa ng Leo ang pagiging kaakit-akit at kakayahang makipagkaibigan ng Sagittarius. Maaaring mainis ang Sagittarius sa pagiging bossy, mababaw na kabanidosohan, at pagiging maramdamin ng Leo. Gayunpaman, pareho silang tapat at mapagmahal sa isa’t isa, at nahihigitan ng mga pakinabang ang maliliit na problema sa kanilang relasyon.



Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Sagittarius? Ito ay ang kagustuhang magtulungan bilang isang team at ang magkaparehong paghanga na ipinapakita nila kapag sila ay determinado sa pagpapatuloy ng mga bagay. Dinadagdagan ng bawat isa ang kaalaman ng isa’t isa nang parehong pinagtutuunan ng pansin ang mga usaping personal at daigdig. Alam nilang pareho ang kanilang lugar sa relasyon. Ang kanilang walang katumbas na taas ng enerhiya at umaapoy na damdamin ang nagbibigay sa kanila ng pag-ibig na kayang humarap sa anumang pagbabago.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.