LEO AT SCORPIO
Kapag nagsama ang Leo at Scorpio sa isang tambalan ng pag-iibigan, ang kadalasang resulta ay tambalang handa sa anumang pagbabago at madamdamin. Maayos nilang kinikilala ang mga pangangailangan ng bawat isa. Gusto ng Scorpio ng paggalang at ikinaliligaya niya ang paghahabol sa kanya ng iba, habang kailangan ng Leo ng papuri. Pareho silang lubos na matapat, at madalas na mapang-angkin sa isa’t isa. Pareho nilang kayang ibigay sa isa’t isa ang pangangailangan ng bawat isa habang ine-enjoy ang mga kalakasan ng bawat isa.
Gustung-gusto ng Leo sa kaginhawahan at marangyang pamumuhay, habang madalas na ginagawa ang mga bagay-bagay sa antas na mas malaki at mataas.
Maaaring may ugali ang Leo na maging mayabang, at hahangaan iyon ng Scorpio, na masayang panonoorin ang Leo hangga’t mayroong pagkakapantay-pantay sa relasyon. Mas makinang ang Leo, na nagiging buhay na ehemplo ng kadakilaan at karangyaan. Nagtatago mula sa limelight ang Scorpio, ngunit gustong kontrolin ang mechanics. Dahil pareho silang napakadeterminado, kailangang-kailangan nilang magsikap upang maunawaan at matanggap ang bawat isa.
Hinihingi ng Leo ang kalayaan upang makipaghalubilo, habang mayroong katangian ng hunyango ang Scorpio. Pareho nilang nais mamuno, ngunit sa magkakaibang paraan. Ang magkaparehong kagustuhang ito ay maaaring magdulot ng gusot sa matatag at maaliwalas na relasyong ito. Tulad ng mga elementong umiimpluwensya sa kanila, ang dalawang ito ay may abilidad na talikuran ang isa’t isa. Paminsan-minsan, maaaring hindi masyadong maging maayos ang kanilang pagsasama. Gayunpaman, mapagtatanto ng bawat isa na ang maliliit na pagtatalo ay mga panahon lang ng pagkalito. Hangga’t napapanatili nilang kontrolado ang kanilang mga ego at binibigyang prayoridad ang relasyon, kakayanin nilang ayusin ang mga gulo.
Pareho silang maaaring maging matigas, mataas ang pagtingin sa sariling opinyon, at ayaw sa pagbabago. Pareho silang may tendensiyang maging mapilit na magpatuloy kapag pinagsisikapan ang kanilang mga layunin. Kapag may plano sila, paninindigan nila ito hanggang sa makuha nila ang kanilang gusto. Madalas silang umaayaw sa pagbabago, at mas gusto ang matatas at matibay na daan. Kapag mayroon silang magkakaibang ideya tungkol sa isang bagay, maaari silang magtapos sa walang-katapusang cycle ng pagtatalo. Hindi susuko ang Scorpio dahil para sa kanila, iyon ay katumbas ng pagiging mahina. Maaaring isipin ng Leo na masyadong mataas ang pagtingin ng Scorpio sa kanyang sarili. Kung nauunawaan nilang nasa parehong panig sila, mas magiging madali para sa kanilang manatiling produktibo.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Scorpio? Ito ay ang kanilang magkaparehong dedikasyon sa isa’t isa at sa mga proyektong pinapasok nila. Pareho silang may makapangyarihan ngunit tunay na magkakaibang katangian. Tinitingnan sila ng iba bilang malakas na tambalan, at nagiging ganito ang kanilang relasyon dahil sa kanilang dedikasyon sa pagsasakatuparan ng kanilang mga kagustuhan.