LEO AT TAURUS
Kapag nagsama ang Taurus at Leo sa isang tambalan ng pag-iibigan, maaari silang maging mahusay na pares dahil alam nila kung paanong patataasin ang ego ng isa’t isa, at gustung-gusto namang mapuri ng bawat isa! Mayroon silang magkahalintulad na mga pangangailangan: kailangan ng Taurus ng napakaraming pag-aaruga, pagmamahal at pagpapahalaga, habang gustung-gusto ng Leo ang pinupuri at hinahangaan. Pareho silang tunay na matapat at mapang-angking mangingibig. Dahil mayroon silang napakamagkahalintulad na kagustuhan, kaya nilang ibigay sa isa’t isa ang kanilang mga pangangailangan.
Ang dalawang sign na ito ay parehong gusto ng mataas na katayuan sa buhay at mga ari-arian. Pinahahalagahan nila ang pisikal na kaginhawahan at kayamanan; madalas na galante sa atensyon at pamimigay ng regalo ang Leo—bagay na ikatutuwa naman nang lubos ng Taurus, na gustung-gusto sa tradisyonal na paraan ng panliligaw. Bagama’t maaari silang magtulungan, hindi laging masaya ang relasyon ng dalawang ito; napakatigas ng ulo ng dalawang sign kaya’t kailangan nilang magsikap na unawain at tanggapin ang isa’t isa.
Parehong mapangarapin sa iba’t ibang paraan ang Taurus at Leo. Gusto ng Leo ng katanyagan at kayamanan, habang gustung-gusto ng Taurus ng seguridad at stabilidad sa buhay at pag-ibig. Dahil pareho nilang inaasahang maging boss, mayroon silang tendensiyang maglaban para sa pangingibabaw. Tuwing may mga pagtatalo, ayaw na ayaw ng Taurus na umamin ng kamalian, dahil tinitingnan niya ito bilang pagtanggap ng pagpapailalim – maliban nalang kung makikita niyang iyon ang praktikal na gawin. Maaaring maging marahas at matagal ang mga pagtatalo nila, ngunit hangga’t tinitiyak nilang muli sa isa’t isa na mahalaga ang relasyon sa kanila, magiging maayos ang mga bagay-bagay.
Parehong matigas ang ulo ng Taurus at Leo; kapag napagpasyahan nila ang isang bagay, mahirap nang baguhin ang kapasyahang iyon. Ito ang dahilan kung bakit maaaring maging napakarahas ang kanilang mga pagtatalo – pareho silang naniniwala na tama sila at ang kanilang paraan lamang ang tamang paraan upang tingnan ang anumang usapin! Pareho din silang natatakot sa pagbabago; gusto nilang mamalagi ang mga bagay-bagay at magpatuloy hangga’t maaari – kahit pa mayroong bagay na maaari namang ayusin. Kapag nagpasya silang gusto nilang manatili sa kanilang relasyon, halos wala nang makakakumbinsi sa kanilang iwanan ang kanilang kapares. Mabuti ito para sa katatagan ng relasyon ngunit maaaring maging masama kung nakakasira o nakakapigil na ang relasyon.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Taurus-Leo? Ang kanilang mutwal na paghanga sa isa’t isa. Ang parehong sign ay may malalakas na katangian, kaya’t walang mangingibabaw sa isa’t isa—gaano man nila subukang mangibabaw sa isa’t isa! Nakikita sila ng iba bilang isang napakabuting tambalan dahil pareho silang tapat sa pagkamit ng kanilang mga layunin.