LEO AT VIRGO
Kapag nagsama ang Virgo at Leo sa isang tambalan ng pag-iibigan, maaari hindi nila mapansin sa una ang magkakaparehong interes at maramdamang wala silang magiging pakinabang sa isa’t isa. Ang relasyong ito ay magbabago pagkalipas ng panahon, habang unti-unting nauunawaan at hinahangaan ng isa ang kanyang kapares. Mapagkaibigan, dominante, at makarisma, at madalas na mainitin ang ulo ng Leo. Ang Virgo ay mahilig mag-aral, mahiyain, at mas magaling sa maraming bagay kaysa sa Leo. Bagama’t mayroong mga pagkakaiba, napakabagay nila sa isa’t isa laluna kapag nasanay na ang bawat isa sa kakaibang istilo ng isa pa.
Sa maagang yugto ng relasyon, maaaring ang makita ng Leo at Virgo ay mga kahinaan ng bawat isa. Maaaring magmukhang malupit ang Leo, at mapanghusga naman ang Virgo. Ngunit kapag tumigil na silang tumingin lamang sa mga kahinaan ng isa’t isa at sinimulang tuklasin ang mga positibong katangian ng bawat isa, makakadiskubre sila ng atraksyon. Ipapakita ng Leo sa Virgo ang masasayang araw, at ipapakilala ang pagiging ispontanyo na kadalasang wala sa Virgo. Tuturuan ng Virgo ang Leo na maging mapasensya at magpokus sa kanilang intelektwal na enerhiya. Maaaring maramdaman ng Leo na masyadong mapagmasid ang Virgo, ngunit tuturuan naman nito ang kanyang kapares na magrelax. Maaaring ituring ng Virgo ang Leo bilang makasarili at mapaghinala, ngunit matuturuan nila itong maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba.
Kayang turuan ng Leo ang Virgo na bawasan ang pagiging kritikal at mas maging ispontanyo. Sa kabilang banda, magiging mas matatag ang Leon dahil sa Virgo. Nagsisimula sa mga bagong proyekto ang Leo nang hindi pinag-iisipan ang kanilang layunin, habang mas praktikal naman itong tinitingnan ng Virgo. Mahalaga para sa Virgo ang kahihinatnan ng kanilang mga pagsisikap samantalang ang Leo ay basta nalang gumagawa ng mga bagay nang hindi iniisip ang mga kalalabasan.
Gusto ng Virgo na maglaan ng oras sa pagtatrabaho at pagsasagawa ng maraming bagay nang sabay-sabay. Ang Leo, sa kabilang banda, ay nasisiyahan sa pamumuno ng proyekto at pagtatalaga ng mga tungkulin sa ibang mga kalahok. Ang kawalan ng pagtatalo sa kung ano ang mga tungkulin ng bawat isa sa relasyon ay nakakatulong sa Leo at Virgo na iwasan ang mga pagbatikos sa kani-kaniyang katangian.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Virgo? Ito ang kanilang pagiging mabisa bilang magkasintahan. Sa metaporiko at literal na batayan, nakukuha ng Leo ang atensyon at paggalang ng mga tao sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan, at pagsasapraktika ng mga bagong ideya na inuudyukan ng kagustuhang magpakasaya at manabik. Masipag na nagtatrabaho ang Virgo nang hindi napapansin, nag-iiskedyul ng mga appointment at nagfa-follow up ng mga detalye na hindi gustong asikasuhin ng Leo. Ang kanilang mga katangian, na sobrang magkasalungat, ang dahilan kung bakit bagay na bagay silang dalawa.