LIBRA AT LIBRA
Kapag dalawang Libra ang mag-iibigan, nabubuo nila ang isang payapa, romantiko at napakabalanseng relasyon. Importante sa Libra ang pagkakaisa at kagandahan ng sining at mga bagay; naibibigay ng dalawang Libra ang kanilang galling sa anumang ginagawa nila. Simbolo ng Partnership ang Libra; gustong-gusto nila ang magmahal, at kapag silang dalawa ang magsama, ang kanilang relasyon ay puno ng saya at kagalakan. Kapag nagdi-date, nais nilang manood ng romantikong pelikula, mag kape nang magkasama; at kapag sila’y magsama, ang kanilang tahanan ay magmumukhang art gallery, puno ng magaganda at kaibig-ibig na mga bagay.
Gusto ng Libra na magustuhan sila ng lahat--kahit na minsan ay hindi na nagiging tama. Ayaw na ayaw nila ng gulo, at kung meron man, kusa silang umaatras para lang maiwasan ito. Hindi sa wala silang pakialam o hindi sila nagpapakatooo, ayaw lang talaga nila ng kaguluhan at pag-aaway. Naiintindihan ito ng dalawa sa kanilang relasyon at hindi nila pipilitin ang isa na magkompromisopara sa isa. Napakabalanse ng Libra sa kanilang relasyon, at gustong-gusto nilang magkaroon ng kapareha na kanilang hinahangaan at iniibig. Nagiging napakasaya nila kung ang kanilang kasama ay may parehong interes sa kanila, at maibabahagi rito ang kanilang experiences.
Mararanasan ng dalawang Libra ang romantikong relasyong may ligaya at puno ng kagandahan, senswalidad, at kagalakan. Kaya hindi nakakapagtaka kung ang dalawa ay nanatiling magkasama! Pinagugustuhan nila ang kanilang sarili at kanilang kapareha--kahit na ito’y kalabisan na minsan. Makakasama sa kanalang kalusugan ang masyadong maraming pagkain at pagiging tamad. Ang mga kagustuhang ito’y mahirap iwasan para sa kanila; gustong-gusto nilang kumain na parang mga hari at reyna!
Pinahahalagahan ng Libra ang kanilang talino sa lahat ng bagay; nai-enjoy nila ang intellectualism at naa-appreciate ang sining, mga pelikula, at iba pang bagay na nuukol sa kultura. Madaling makahikayat, magalang, at diplomatiko, ang mga Libra. Magagamit ng dalawang Libra ang kanilang pagiging diplomatiko na maresolbang may dangal ang anumang gusot sa kanila na. May katangian ang Libra na nagpapahintulot sa kanilang simulan ang isang proyekto at makapag-motivate ng ibang tao. Magiging maganda ang pagsasagawa ng kahit anumang proyekto kung magsasama ang dalawang Libra para dito.
Ano ang pinakamandang aspeto sa relasyong Libra-Libra? Ito’y ang kanilang pagiging mahusay na diplomatiko, pagiging magalang, at respeto sa bawat isa. Makakabuo sila ng isang matagal na love connection dahil sa kanilang malalim at parehong pang-unawa sa mga gusto at kailangan ng bawat isa. Magiging matibay ang kanilang commitment.