Bagay ba Libra at Pisces? Sino destiny o kapalaran ko habang buhay? Zodiac

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

LIBRA AT PISCES

Kung magsasama sa pag-iibigan ang Libra at Pisces, magkakasundo sila at magiging pasensyoso sa kanilang relasyon. Bagay na bagay ang dalawang Sign, kaya ang kanilang love affair ay swabe at bihira magka-problema. Parehong gusto ng dalawa ang magagagandang bagay sa kanilang paligid, ngunit marami rin silang maiibigay sa bawat isa. Matutulungan ng Libra ang Pisces gamit ang kanyang balanse sa pagiging realistic kung ito’y masyadong mawala sa kanyang mga pantasya. Masusuklian ng Pisces ang pabor sa pamamagitan ng pagtulong na makita ng Libra ang kagandahan ng pag-ibig, pakikisimpatiya at pang-unawa. Tapat ang kanilang pagsasama at pinahahalagahan ang katotohanan at pagkakaisa sa kanilang relasyon at sa mundo.



Mahusay bilang magkaibigan rin ang Libra at ang Pisces bukod sa pagiging magkasintahan. Naiintindihan nila ang bawat isa: Maaaring pabagu-bago ang kanilang mga desisyon at gagawin ang mga bagay sa magkakaibang direksyon. Malimit na magkaroon ng problema ang dalawa, ngunit maaaring maging masyadong mentally manipulative ang Libra sa Pisces. Minsa rin, maaaring huminto sila sa kalagitnaan ng kanilang mga plano at mga ginagawa dahil sa kanilang pabagu-bago ng isip; maaaring maging mahirap para sa kanila ang mag-move forward kung magsasama sa paggawa ng isang proyekto o gawain. Ganunpaman, kung magkakaroon ng argumento ang dalawa, madali sa kanila ang magpatawad at makalimot: ayaw na ayaw ng Libra ang pag-aaway at gagawin halos lahat maiwasan lang ito, at taglay ng Pisces ang pang-unawa and mapapatawad ang kanilang pares mula dito.


Malalim kung mag-isip, may mga pilosopiya at internal ang Picses. Gusto ng Libra ang pagmamahalan. Simbolo ng Partnership ang Libra at palaging mas komportable ito sa isang manit na pagmamahalan.


Pinagsasama ng dalawang Sign ang kanilang utak at puso para maresolba ang kanilang mga problema--isang winning combination. Ang mahuhusay na desisyon ay nagagawa sa pamamagitan ng pinagsamang emosyon at talino; ang kanilang relasyon ay magiging flexible at progresibo. Kung magkakaroon ng problema, ang kanilang komunikasyon ay magiging problema sa pagitan nila. Ang Libra, na ginagamit minsan ang mental na manipulasyon, ay maaaring bigyan ng ‘silent treatment’ o walang imik ang Pisces. Magkakaroon man ng mga hindi pagkakaunawaan sa kanilang pagsasama, wala sa kanila ang magiging pinuno dito. Hindi man sila magkaintindihan minsan, ang pagkakaiba ng kanilang opinyon ay hindi rin magtatagal. Ang magiging totoong problema nila ay kung hahayaang nilang pareho na mag slow down hanggang sa punto ng pagtigil kung sila magsasama.


Nakakalikha ng mga bagong ideya ang Libra at nasisimulan ang mga bagong proyekto, at magiging masaya ang Pisces na sabayan ito, tatanggapin anuman ang magiging papel niya dito. Kung magsasama sa iisang proyekto ang dalawa bukod sa kanilang pag-iibigan, maganda ang ikakalabas nito. Parehong magalang ang dalawa, at gusto ng Libra ang papuri, habang ang Pisces naman ay hindi importante ang paghanga. Ganundin, kung makakalikha ng bagong ideya ang Libra at bigla na lang mawawala ang interes niya dito (na minsang nangyayari), walang nagiging problema para sa Pisces at handing magpalit ng posisyon para dito.




Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Libra-Pisces? Ang kanilang parehong interes na makatulong sa iba at sa mundong nakapalibot sa kanila. Bagay na bagy sila sa kanilang taglay na sigla, enerhiya, at kagustuhang magkaroon ng tapat at sinserong relasyon.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.