LIBRA AT SAGITTARIUS
Ang pagsasama ng Libra at Sagittarius ay parang isang paraiso; ang kanilang kombinasyon ay may pagkakaisa at katahimikan. Ang mga Sign na dalawang posisyon ang pagitan sa Zodiac katulad nila ay may malalim at secured na koneksyon ay nauunawan ang bawat isa. Ang Sagittarius na isang manlalakbay ay palaging naghahanap ng karunungan. Ang Libra naman ay mahilig sa sining at kagandahan ng mga bagay sa paligid; Bagay na maging kasama sa mga paglalalakbay ng Sagittarius ang Libra at nakakadagdag ng experiences dito. Palaging parang bago ang lahat sa kanilang relasyon dahil napapanatili nila itong exciting--ang kanilang natural na pang-unawa sa isa’t isa ang nagbibigay sa kanila ng mainit na pakiramdam sa simula pa lang. Marami silang makakamit na mga bagong bagay sa buhay at pag-ibig nang magkasama.
Mabuting magkaibigan din ang Libra at Sagittarius bukod sa pagiging magkasintahan. Pareho silang may positibong pananaw sa mundo; pareho silang nasisiyahan sa pagtuklas ng katotohanan at kagandahan sa kanilang experiences. Hindi sila gaanong magkakaroon ng mga problema. Minsan, makakasakit ng damdamin ang Sagittarius sa Libra sa pagsasalita nito na hindi muna iniisip; minsan din, maaaring maging emotionally controlling din ang Libra para sa Sagittarius. Dahil likas na diplomatiko ang Libra, malulusutan nito ang anumang gusot na pwedeng mamuo sa kanilang dalawa. Parehong madaling makapagpatawad at makalimot ang dalawa.
Palaging naghahahap ng kaalaman sa kanilang mga paglalakbay ang Sagittarius--ang katotohanan, ang ibig sabihin ng buhay at kamatayan--at kapag may bagong ideya ang Libra (na kadalasan nilang nagagawa), magiging sabik ang Sagittarius na sabayan ang kanilang partner dito at maging pamilyar sa kanilang bagong konsepto.
Puno ng enerhiya ang kanilang pagsasama. Dahil napapalaki ng Hangin ang Apoy, ang kanilang relasyon ay mainit at mapusok. Iisipin ng Sagittarius na sila ang namumuno sa relasyon, ngunit ang Libra ang tahimik lang na komokontrol sa daloy ng mga pangyayayri. Magiging malakas at matibay ang dalawa at malayo ang kanilang maaabot nang magakasama. Magiging maganda ang daloy ng kanilang relasyon kung mararamdaman ng Sagitttarius ang kalayaan at independence sa kanilang relasyon.
Tagasimula ang Libra; nakakaisip sila ng mga bagong ideya at bagong lugar na mapupuntahan--ngunit maaaring baguhin ang kanilang pag-iisip anumang oras. Flexible at adaptable naman ang Sagittarius, walang problema sa kanila ang anumang pagbabago sa mga plano ng Libra.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Libra-Sagittarius? Ang kanilang parehong interes na mapalago ang kaalaman at magamit ang kaisipan at katalinuhan. Bagay na bagay ang dalawa at malayo ang kanilang mararating, mapa-emosyon man o saang lugar.