Bagay ba Libra at Scorpio? Compatible ba kami o sino magiging asawa ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

LIBRA AT SCORPIO

Kapag magsasama sa pagmamahalan ang Libra at Scorpio, nakakabuo sila ng isang pagsasamang puno ng emosyon at kasiyahan. Kung minsan ay maaaring mawala sa kanilang emosyon ang mga Scorpio, ang galing sa balanse at pagkakaisa ng Libra ay nakakatulong sa dito. Nasusuklian naman ng Scorpio ang Libra ng kanilang focus, isang katangiang wala sa Libra. Bagay ang dalawa dahil sa kanilang parehong pangangailangan sa isang mapagmahal na relasyon; Simbolo ng partnership ang Libra, at nagiging masaya sila sa isang balanse at mainit na relasyon, habang gusto naman ng Scorpio ang emosyonal at sekswal na intimacy sa kanilang kapareha. Nakakabuo ang dalawa ng isang tapat, mapusok, at satisfying na pagsasama.


Magaling din silang magkasama sa pagsasagawa ng proyekto bukod sa kanilang pagmamahalan dahil pareho silang may mga potensyal sa paggawa ng nakakabilib na mga bagay. Napagsasama nila ang kapangyarihan ng emosyon at talino. Mas nagiging pasensyoso ang Scorpio ngunit mas controlling kaysa sa Libra. May mga pagkakaiba man, pareho nilang gustong sumugal sa mga bagay at oportunidad at hindi boring ang kanilang relasyon! Silang dalawa ay parehong charmers; alam nila kung paano suyuin at paligayahin ang isa’t isa at nasisiyahan silang gawin ito. Ang kanilang iba’t ibang istilo--ang Scorpio na palasikreto habang ang Libra ay diretso-- ay nagiging dahilan upang sila’y magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, kaya kailangan nilang pagbutihin ang kanilang komunikasyon minsan.


Ang kagustuhan ng Libra sa kagandahan ng mga bagay at romansa ang bumabalanse sa anumang problema na maaring magkaroon ang Scorpio dahilan sa kanilang malalim at matinding emosyon. Wala sa dalawang Sign ang gustong makipag-away. Iniiwasan ng Scorpio ang pag-aaway bilang higanti; Ayaw na ayaw ng Libra ang anumang kaguluhan at gagawin ang lahat ng posible para maiwasan ito, kasama na ang pagpapakumbaba at paghingi ng kapayapaan.


Ang pinakamabisang desisyon ay nagagawa kung napagsasama ang talino at emosyon--paggamit ng utak at puso, at malalagpasan ng pares na ito ang anumang pagsubok na kanilang haharapin. Ito’y paraan nila na gawin ito nang magkasama, kaysa laban sa bawat isa. Magaling sa estratihiya ang Scorpio at matutulungan ang Libra na makapag-focus sa kanilang pabagu-bagong desisyon. Gayundin, kung minsan, ang pagiging masyadong emosyonal ng Scorpio ay pwedeng makaapekto sa Libra, gayundin din ang Libra sa Scorpio. Dito higit kailangan ang pagiging diplomatiko ng Libra.


Palaging gusto ng Librang mag-isip ng mga bagong bagay na gagawin: pagbisita sa isang restaurant o art gallery o paglalakbay sa isang bagong lugar-- ngunit ang Scorpio ang may determinasyon at kakayahang maisakatuparan ang mga ideyang ito. May kapasidad ang dalawang maging tapat at devoted bilang partner, ito ang mga katangiang importante sa kanila.



Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Libra-Scorpio? Ang kapangyarihang nakukuha nila sa pagkakaisa. Marami silang mapagtatagumpayan sa negosyo man o sa sa kanilang romantikong pagsasama. Parehong winner ang dalawa at hindi sila sumusuko, at ito ang nagpapatatag sa kanilang relasyon.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.