AQUARIUS AT AQUARIUS
Kapag nagsama ang dalawang Aquarian upang mag-ibigan, nagpopokus sila sa mas positibong aspeto ng sangkatauhan. Gustung-gusto ng magkapares na itong makipagkaibigan, tumulong sa iba at, sa mas malaking antas, ay magpasimula ng panlipunang pagbabago. Madalas silang aktibo at mapagkaibigan at pinakamahusay kapag nakakaramdam ng presyur. Medyo mahusay ang pagkakasundo ng magkapares na ito, malamang na dahilan kung bakit nagseselos ang kanilang mga kaibigan. Pareho nilang hilig ang makinig ng balita at makipagtalakayan hinggil sa mga moderno at progresibong ideya. Kaya nilang magsarili saanman sila naroon, at ang kanilang labis na pagkahilig sa pakikipagkaibigan ay maaaring maging dahilan upang maging hiwalay ang dalawang ito pagdating sa emosyon. Madalas silang wala sa bahay, as mas mabuti silang maging bahagi ng mas malaking grupo: isang organisasyon, negosyo, o grupo. Minsan, nahihirapan ang magkapares na itong makaramdam o magpahayag ng tunay na pakiramdam, kanila man, sa kapareho, o sa mga taong nakapaligid sa kanila. Mayroon silang magkakahalintulad na pagtingin kung paanong dapat umasal ang mga tao, na kadalasan ay isang pagtingin na para sa lahat.
Ang pakikipagtalakayan at pakikipagtuggali sa mga usapin gamit ang kanilang mataas na kakayahang intelektwal ay likas na nilang katangian. Ang parehong makatuwirang determinasyon na nagbibigay sa kanila ng tiwala sa sarili ay maaari ring siyang dahilan ng anumang emosyonal o pisikal na pagkakahiwalay ng dalawa. Mahusay sila bilang team at maraming pinagsasaluhang makabuluhang pag-uusap, ngunit mangailangan ng maraming pagsisikap ang paglalapit ng loob ng isa’t isa. Gayundin, maaari silang maging malamig sa mga taong pangkaraniwan at makamundo sa kanilang palagay.
Ang Aquarius ay isang Fixed Sign. Ang kalidad na ito ay magbibigay sa dalawa ng kakayahang maging produktibo at lubhang matigas ang ulo. Nagmumula ang mga malikhaing ideya sa isip ng Aquarius at ginagalang ng bawat isa ang mga ambag nila sa pagkamit ng iisang layunin. Gayunpaman, magkakabangga ang magkakaibang opinyon paminsan-minsan at iyon ay maaaring humantong sa malaking pagtatalo. Pareho nilang ayaw sa mga taong walang kahalintulad na pagnanasa para sa pag-unlad.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Aquarius-Aquarius? Iyon ay ang mga bagong ideya na tuluy-tuloy nilang dinadala sa mundo. Bilang mga mapangarapin at indibidwal, humahakbang ang magkapares na ito para baguhin ang kultura at magdala ng mga matingkad na pagbabago. Hangga’t pinananatili ng dalawa na buhay ang romansa at init, magiging yaman para sa buong komunidad at sa parehong indibidwal ang relasyong ito.