PISCES AND PISCES
Kung magsasama sa pagmamahalan ang dalawang Piscean, ito’y pagsasanib ng dalawang sensitibo at emosyonal na mga tao. Mayroong katapatan, mahusay na komunikasyon, mayamang pagsasama ng emosyon at isang malalim na espiritwal na koneksyon sa kanilang pagsasama. Pareho nilang nararamdamang ang kanilang natatanging relasyon ay ang pinakamagandang bagay sa mundo at wala ng makahihigit pa dito. Gustong-gusto nila ang kagandahan sa paligid at katahimikan na wala sa ibang Signs sa Zodiac, at parehong committed na mapanatili ang kagandahan ng kanilang relasyon.
Nakakakuha sila ng mga tahimik na sandali dahil sa kanilang pagiging passive. Ganunpaman, maaaring magiging masyadong outgoing ang Pisces, at minsan, madaling maloko, at masyadong sensitibo sa negatibong enerhiya. Ang dalawang magkasamang Picses ay maaaring maging tamad, at mailalabas ang pinakamaganda o pinakapangit na katangian ng isa’t isa. Minsan hindi nila nalilimitahan ang kanilang mga sarili at ng ibang tao at maaaring malayo sa kanilang espiritwal na direksyon.
Kadalasang natatakasan ng Pisces ang mga pagtatalo sa pamamagitan ng biglaang pagkawala, sa kanilang hindi makatotohanang pag-asa o pagtago sa sarili sa mga pantasya. Ang kanilang pagiging flexible ang dahilan upang sila’y madaling makausap, at madaling naibabagay ang sarili sa mga sitwasyon, sa mga kaibigan, at maging sa kanilang mangingibig.
Ang Pisces ay simbolo ng Serbisyo. Nabibigyan nila ang bawat isa ng pagmamahal at nasisiyahan sa anumang bagay na nakukuha nila mula dito bilang kapalit. Normal sa kanilang relasyon ang mga pagbibigay ng nga regalo, almusal sa higaan, at mga paglabas lalo na tuwing Sabado at Lingo.
Pareho silang nasisiyahan sa pagbibigay anuman ang kahilingan at pangangailangan ng kanilang minamahal. Kilala ang maga Pisces sa kanilang adaptability, naibabagay ang kanilang mga interes at intensyon sa anumang sitwatsyon. Maaaring maging problema ito sa kanila, dahil pwedeng mawala ang kanilang sense of self. Ang astrolohikal na simbolo ng Isang Pares ng Isda ay nagri-representa ng dalawang katangian nila, lumalangoy sila sa magkaibang direksyon. Kailangang ituon at ma-devote ng Pisces ang kanilang mga sarili sa paggawa ng mga personal na layunin. Para sa ikakabuti ng kanilang relasyon ang dapat gawin ng bawat isa, at para na rin maengganyo nila ang isa’t isa na magtagumpay para dito.
Hindi diretso at tahimik lang, nagiging inspired ang Pisces kung mayroong pwersang nakakagawa nito sa kanila. Malimit o walang pagtatalo sa kanilang pagsasama, at nasisiyahan sa pagsamahin ang kanilang puso at isip. Handa silang tulungan ang isa’t isa lalo na sa mga mahirap na mga sandali at pangangailangan. Nararamdaman nila ang isang malakas na atraksyon at pagkagusto sa isa’t isa.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Picses-Pisces? Ito ay ang nakakamanghang kaginhawaang nakukuka nila sa kanilang pagsasama. Kinaiinggitan sila ng ibang Sign sa Zodiac sa kanilang tahimik at magandang relasyon. Sila’y matapat, mapagmahal at suwabe at parating nandyan para sa kanilang kapareha kung higit silang kinakailangan. Ang kanilang relasyon ay hindi natitinag kung sila’y magkasama.