SAGITTARIUS AT AQUARIUS
Kapag pinagsama ang Sagittarius at Aquarius sa isang pag-iibigan, ang mga paniniwala ng Aquarius at kaalaman ng Sagittarius ay nagsasanib upang likhain ang isang malikhain at natatanging pares. Walang pumipigil sa bawat isa sa relasyon, at bagama’t maaaring magpataasan ang dalawa, walang sandaling nakakainip para sa kanila! Sa ilalim ng kanilang pag-iibigan ay ang isang matalik na pagkakaibigan; ang mga sign nila ay pinagigitnaan ng isang sign, na siyang nagbibigay sa kanila ng kakayahang mag-usap nang mabuti at magkaroon ng magandang ugnayan. Pareho silang mapangarapin at nananabik sa buhay, at ikinasisiya nila ang mga pagkakataong magkasama sila. Kaya nilang lumipad nang hindi natatakot na bumagsak kapag magkasama.
Maraming relasyong Sagittarius-Aquarius ang natutuwa sa pakiramdam ng mutwal na paghanga. Nabibighani ang Sagittarius sa indibidwalidad, pananaw, at mapanlikhang kakayanan ng Aquarius. Hinahangaan naman ng Aquarius ang kahusayan at inisyatiba ng Sagittarius, na laging mayroong mga bagong ideya, ngunit hindi kayang ipatupad ang mga iyon kagaya ng kayang pagpapatupad ng Aquarius. Ipinagdiriwang nilang pareho ang kanilang kalayaan, at wala masyadong alitan sa pagitan nila dahil nauunawaan nila ang isa’t isa. Pana-panahon, maaaring maging masyadong makasarili ang Sagittarius para sa Aquarius, na siya namang masyadong mapagbigay para sa kanyang kapares. Hangga’t ipinapabatid nila ang pagiging maligaya nila sa relasyon, kakayanin nilang pangibabawan ang anumang balakid sa daan, malaki man o maliit.
Ang Sagittarius ay isang Fire sign, at ang Aquarius ay isang Air sign. Ginagatungan ng hangin ang apoy at pinalalaki ito sa parehong paraan na pinatataas ng Aquarius ang moral ng Sagittarius upang magkamit ng malalaking tagumpay. Kayang sumabay ng Sagittarius sa kakayahan ng Aquarius na mag-eksperimento batay sa mga makabagong ideya. Kapag nagsama sila, napakamakabago at maikhain nila! Ginagamit ng Aquarius at Sagittarius ang talino at pagkahilig sa pakikipagsapalaran upang magkaroon ng mga bagong karanasan – ang bawat isa ay nagpapayaman ng pagiging malikhain ng isa. Mayroong maraming interes ang parehong sign, at ang pangangailangan ng Sagittarius na makaranas ng aksyon ang nagpapadali sa kanilang pagsasapraktika ng mga ideya ng Aquarius.
Ang Sagittarius ay isang Mutable Sign at ang Aquarius ay isang Fixed Sign. Madaling sumabay sa agos ang Sagittarius at madali para sa kanyang itigil ang kanyang ginagawa upang mag-asikaso ng ibang bagay. Hindi gaanong madaling mag-adjust ang Aquarius, at mas gusto niyang magpatuloy ng proyektong kasalukuyang nagaganap hangga’t marubdob nilang inaabot ang pagkakumpleto nito. Makakatulong sa pagsusuri at pagresolba ng mga usapin ang Aquarius sa halip na tumalon nang basta-basta sa mga bagong usapin, samantalang hilig ng Sagittarius ang magpalipat-lipat mula sa isang paksa tungo sa iba pa batay sa kanilang mood. Pareho silang tapat at mapagmahal sa isa’t isa, at kaya nilang pangibabawan ang lahat ng bagay nang magkasama.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Sagittarius-Aquarius? Ito ay ang kanilang kakayahang magresolba ng mahihirap na usapin kapag inilagay nila ang kanilang buong puso sa pagsasagawa nito. Kaya ng magkaparehong ito na magpatuloy ng plano kapag nasimulan itong ipinatupad. Ang mabigat nilang kombinasyon ang nagbibigay sa kanilang relasyon ng direksyong papalabas, gayundin ng lalim.