SAGITTARIUS AT CAPRICORN
Kung magsasama sa pag-iibigan ang Sagittarius at Capricorn, maaaring maging mabagal ito para sa kanila at mararamdamang wala silang gaaanong matututunan mula sa isat isa. Magkaiba ang dalawa sa ibang bagay: ang Sagittarius ay easy going, kakaiba, at naghahanap ng kaalaman para sa sarili, palaging gustong gawin ang mga bagong bagay, at walang pasensya. Ang Capricorn naman ay detalyado at may pagkamahiyain, at palaging handang gawin ang mga nakalinyang mga gawain. Maaaring ang kanilang pagkakaiba ang maging dahilan upang magkaroon sila ng matibay na relasyon habang tumatagal at marami rin silang matututunan mula sa isa’t isa.
Sa umpisa ng relasyon, maaaring parati nilang makita ang mga pagkakamali ng bawat isa. Pwedeng maging magulo ang Sagittarius at magarbo naman ang Capricorn. Ngunit kung titigilan nilang ituon ang pansin sa mga depektong ito at subukang tingnan ang kanya-kanyang lakas, makikita nila ang maraming magagandang katangian ng bawat isa. Maipapakita ng Sagittarius sa Capricorn ang adventure at excitement kasama na ang kalayaang minsan ay wala sa buhay ng Capricorn. Matuturuan naman ng Capricorn ang Sagittarius na bigyang pansin ang mga detalye at buksan ang kaalaman na ang mga maliliit na bagay ay importante rin, at nakakatulong sa kanilang mapagbuti ang kanilang enerhiya at lakas. Maaaring isipin ng Sagittarius na masyadong responsable ang Capricorn, at tuturuan nila itong magsaya. Para sa Capricorn, hindi maingat at pabigla-bigla ang Sagittarius, at matutulungan nila itong maging magalang.
Parehong kailangan ng dalawang magpaubaya at ma-appreciate ang pamamaraan ng kanilang kapareha; matuturuan ng Sagittarius ang Capricorn na magkusang-loob habang sa parehong panahon ay nakakakuha ng katatagan sa rational na pananaw nito.
Sinisimulan ng Sagittarius ang mga proyekto pagkatapos ng pilosopikal na pagsisiyasat, habang mas praktikal at makatotohanan naman ang pamamaraan ng Capricorn. Iniisip ng Capricorn ang kahihinatnan ng kanilang mga ginagawa, habang personal na kasiyahan naman para sa Sagittarius. Maaari mang maging mahirap sa dalawa ang pagkakaroon ng iba’t ibang moral, at kung maisasantabi nila ito, makakabuo sila ng isang mahusay at bagay na pagsasama.
Hindi kailangang maging lider o pangganyak na pwersa ang Sagittarius; kung meron silang magandang ideya at nakakakita ng paraang makatulong, ginagawa nila ang kanilang magiging papel para dito . Samantala, nagkakakroon ng ideya ang Capricorn at itinatalaga ang mga tungkulin sa iba. Pwede nilang pagtrabahuan ang parehong layunin nang matagumpay na walang mga pagtatalo sa kanilang magiging tungkuling dito.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Sagittarius-Capricorn? Ang kanilang pagiging epektibo sa paglutas ng kanilang mga suliranin sa kanilang relasyon. Kung mapagtatagumpayan nila ang kanilang inisyal na pagtutol sa isa’t isa, makikita nila kung gaano karami ang kanilang matututunan sa bawat isa. Ang kanilang mga magkaibang personalidad ang dahilan upang maging epektibo ang kanilang pagsasama.