Bagay ba Sagittarius at Pisces? Sino makakatuluyan ko o mapapangasawa? Tadhana

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

SAGITTARIUS AND PISCES

Sagittarius compatible to Pisces wedding marriage forever love tadhana kapalaran

Kung magsasama sa pag-iibigan ang Sagittarius at Pisces, isang pangarap ang nabubuo. Palaisip at pilosopikal ang Sagittarius, at pabagu-bago sa kanilang mga gustong gawin. Paloob naman ang Pisces at sinasangkot ang sarili sa kanilang sariling pag-iisip. Magkaiba sila sa ibang bagay, at para sa iba, hindi sila ang tipong magsasama. Ngunit sa paglago ng kanilang pag-iibigan sa isa’t isa, nabibigyan at napapaligaya nila ang isa’t isa sa kanilang philosopihical cravings at napapanatili ang isang malakas na relasyon.


Outgoing at maraming nalalaman at nagagawa ang Sagittarius at handang maging depensa sa kanilang kaparehang Pisces. Nabibigyan naman ng Picses ang Sagittarius ng malalim na pang-unawa at lugar para sa kanilang walang kapagurang pagsisikap. Ang Pisces ay isang Sign, na katulad ng Tubig, ay madaling naiaangkop ang sarili sa kanilang kapaligiran; itinutuon nila ang kanilang enerhiya sa pag-intindi, pag-unawa, at pakikipagsimpatiya sa kanilang kapareha. Mas pasensyoso sila kumpara sa ibang Signs sa pagiging malayo ng Capricorn. Ang aktibong paghangad ng Sagittarius sa kaalaman kasama ng pagiging maawain ng Pisces sa ibang tao ay nagbibigay sa kanila ng sariling kamalayan na hindi nagiging dahilan ng pagiging makasarili at at pagiging masyadong accommodating, katulad ng Pisces.



Concerned ang Pisces sa aspetong ito; nakikita nila ang kanilang mga sariling sinusubukang maisalba ang mundo (sa pamamagitan ng recycling o pagiging makakalikasan). Samantala, gusto ng Sagittarius na mapalawak ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral. Natutulungan ng Sagittarius na maging realistic ang Pisces. Naiimpluwensyahan naman ng Jupiter ang Pisces upang maging mahinahon sa pagiging mainitin ng ulo ng Sagittarius minsan.


Maibibigay ng Pisces sa Sagittarius ang direksyon at tulong na sila’y matutong mas maging mahinahon, habang matuturuan ng Sagittarius ang Pisces na lumabas at i-explore ang mundo. Mai-enjoy nila ang paglalakbay nang magkasama. Masyadong emosyonal ang Pisces para kay Sagittarius minsan, napapahina ng maraming Tubig ang pagiging masigla ng Sagittarius. Maaari ring mapakulo ng maraming Apoy ang Tubig at mapasingaw ang Pisces. Kailangan nilang gamitin ang kanilang kakayahan sa pagdamdam para mapagbuti ang kanilang relasyon, at nakatuon sa mga pangangailangan ng isa’t isa.



Wala sa kanilang dalawa ang kailangang maging dominante sa kanilang relasyon. Nai-enjoy nila ang pagkakapantay-pantay at gustong makitang magbunga ang kanilang mga ideya. Nagiging masaya ang Pisces sa pagtulong sa Sagittarius. Gusto nilang mangarap at matupad ang mga ito. Hindi nila masyadong iniisip ang magiging resulta, bagkus, mas importante sa kanila ang kasiyahang nakukuha dito! Ang kawalan ng pagtatalo sa kung ano ang kanilang papel sa kanilang relasyon ay nakakatulong sa kanilang makuha ang kanilang layunin at magtagumpay.



Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Sagittarius-Pisces? Ito’y ang kapakinabangang nakukuha nila sa kanilang karunungan habang nagkakamabutihan sa bawat isa. Naipapakita ng Pisces sa Sagittarius ang pakikidalamhati at alaga; at natuturuan naman ng Sagittarius ang Pisces gawing realidad ang kanyang mga pantasya! Ang kanilang abilidad na maibigay sa isa’t isa ang kakulangan ng isa ay nagiging dahilan upang matugunan nila ang bawat isa sa kanilang relasyon.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.