SAGITTARIUS AT SAGITTARIUS
Kapag magsasama sa pag-iibigan ang dalawang Sagittarius, ang kanilang paghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay ang daan upang halos magiging perpekto ang kanilang relasyon. Sinasalamin nila ang mundo gamit ang mga mapanuring mata at parehong may matinding pangangailangan upang mas makakuha ng kaalaman. Gustong-gusto nilang magkaroon ng magagandang usapan, mga pagsubok, at mga bagay na nakakapukaw ng isipan. Magkakaroon ng mainit na pagtatalo kung ang isa sa kanila ay masyadong seseryosohin ang mga bagay.
Magaan at may kalayaan, ang dalawa ay bagay pagdating sa pagbalanse ng mga personal na interes. Hindi nila alam ang pagseselos at napapanatili nilang abala ang mga sarili sa mga personal na proyekto kung hindi kasama ang kapareha. Ganunpaman, kung sila’y magkasama, ginagawa nila ang lahat upang mapaligaya ang isa’t isa at napagbibigyan ng kanilang mga parehong interes. Madali man silang makibagay, sila ay maaaring madaling magalit rin minsan. Ngunit hindi likas sa kanila ang magkimkim ng galit o gustong magtagal ang isang pag-aaway.
Ang pagpapalawak ng kaalaman at kaisipan ang importante sa kanila; nai-enjoy nilang pareho ang pagkatuto ng kaalaman, at naiaayon nila ito sa kanilang relasyon. Ngunit kailangan nilang mag-ingat dito dahil makaka-distract ito sa kanila. Ang kanilang charm at karisma ang nagpapanatili sa kanila upang maging isang magandang pares hindi lang para sa isa’t isa, ngunit pati na rin para sa iba.
Palagi silang handang tumulong at ini-enjoy ang buhay: Gustong-gusto nila ang mga paglalakbay. Sila’y outgoing at friendly, ngunit maaaring magkaproblema sa sa kanilang pagsasalita bago ito isipin. Gustong-gusto nilang simulan ang mga bagong bagay, ngunit wala sa kanilang dalawa ang may dedikasyong manatili sa mga ito. Pareho silang nagmamadaling simulan ang panibagong bagay.
Madaling pakibagayan ang isang Sagittarius. Hindi sila masyadong magkakaroon ng mga pagtatalo. Parehong matulungin sila sa isa’t isa. Maaaring magkaroon ng katigasan ng kalooban ang dalawa, ngunit madali nila itong nawawaksi at hindi hinahayaang magtagal.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Sagittarius-Sagittarius? Ito’y ang kanilang pagiging bagay at parehong hangaring matuto ng kaalaman. Nadidiskubre nila ang perpektong balanse ng pagiging malakas sa kanilang relasyon at pagbibigay espasyo sa kanilang kapareha. Magkasama silang makikipagsaparan sa malawak na mundo at mundo ng kaalaman.