Bagay ba Scorpio at Aquarius? Magkakasundo ba kami ng jowa ko? Zodiac Sign

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

SCORPIO AT AQUARIUS

Kapag ipinares ang Scorpio at Aquarius, magiging pagsasanib ng dalawang magkaibang-magkaibang pilosopiya sa buhay at maraming magkaibang-magkaibang pangangailangan. Malaki ang tsansang magkaroon ng alitan dito. Habang hinaharap nang direkta ng Scorpio ang kanilang panloob na emosyonal na mundo nang may matinding enerhiya, habang lubos pang iniisip ang mas pinakatatagong usapin ng buhay, ginagamit naman ng Aquarius ang kahalintulad na enerhiya at inilalabas ito. Dahil sa kanilang ‘di-pangkaraniwan, mapangarapin, at higit sa lahat ay napakamapagkaibigang pananaw sa buhay, lumilitaw bilang kakaiba ang pagpili ng Aquarius sa Scorpio na mas introvert ang katangian. Kailangan ng Aquarius ng maraming tao upang sumigla ang pakiramdam, at palagi silang nagtitingin-tingin sa paligid upang makita kung sino ang maaaring kilalaning tao. Ang Scorpio, sa kabilang banda, ay mas gustong maglaan ng panahon para umugnay, kilalanin at maging malapit sa kanilang mga minamahal. Napakakaunti ng pagkakahalintulad ng pares na ito, ngunit mayroon silang matatag na kalooban na magagamit nila upang makamit ang kanilang kailangan at ninanais, kapag nakapokus sila sa relasyon.


Parehong may posibilidad na hindi makipagtulungan at maging opinyonado ang Scorpio at Aquarius: Gusto nilang masunod ang kanilang gusto nang walang anumang tanong! Gayunman, para sa pares na ito, nakapamagkaiba ng kanilang mga pamamaraan. Matanong ang Scorpio—laging hinahalukay ang kahulugan ng mga bagay-bagay, laging nagtatanong at gusto malaman kung saan papunta ang mga bagay at bakit. Agresibo naman ang Aquarius at madaling lapitan, ngunit ayaw na ayaw niya sa detalye. Maaaring mahalina ang Scorpio sa kanilang mga pagkakaiba, habang nagpapakita ang Aquarius ng mga bagong daigdig ngunit sa huli ay pupwedeng mabigo sa pagkuha ng mga sagot mula sa kakaibang taong ito. Ayaw ng Aquarius sa mga mapang-angkin, at mas gugustuhin nilang maging pag-aari ng daigdig sa halip na sa isang tao. Ngunit ang isang makamandag na Alakdan ay maaaring maging napakamapang-angkin, at kailangan nila ng higit pang atensyon kaysa sa kayang ibigay ng Aquarius. Kapag nagdahan-dahan ang Aquarius at nagbigay ng atensyon, malalaman nila na ang pagmamahal ng Scorpio ay maaaring maging napakalaking suporta.


Ang magiliw na kasintahang Scorpio, na nag-iingat na huwag masyadong masakal ang Aquarius, ay makakapagturo sa kanyang kapares kung paanong mamuhay ng batay sa emosyonal na pag-unawa, kung saan pinapatahimik paminsan-minsan ang isip upang bigyang daan ang pisikal pandama. Matuturuan ng mga Aquarian ang kanilang mga kapares na Scorpio kung paanong huminahon, tumalikod sa mga sitwasyong hindi makokontrol at muling suriin ang mga layunin kapag nawala na sa tamang daan.


Ang Scorpio ay isang Water sign, at ang Aquarius ay isang Air sign. Tungkol sa isip ang Air, kung kaya’t hinaharap ng Aquarius ang buhay habang may pagkakataong umunlad at tumuklas nang tuluy-tuloy, habang mas mapagsuri naman ang Scorpio. Naghahanap ng layunin ang Scorpio, at naghahanap naman ng pananabik ang Aquarius.



Hirap ang bawat isa sa mga itong unawain ang pinagmumulan ng isip ng isa’t isa. Nagkakaroon ng mga pagtatalo kapag nangingibabaw ang pagkamapang-angkin ng Scorpio o kapag masyadong nanlamig at nawalan ng galang at hindi ibinigay ng Aquarius ang emosyonal na katiyakang hinahanap ng Scorpio. Pareho nilang kailangang matutunan na nakikita nila ang daigdig sa napakamagkaibang paraan at dapat nilang ikatuwa at tawanan ang kanilang mga pagkakaiba.


Parehong Fixed na sign ang Scorpio at Aquarius. Pareho silang may tendensiyang maging matigas ang ulo, mapagmataas, at mapanggiit. Kapag may plano sila, susundan nila ito hanggang sa magkaroon ng kapalit ang kanilang mga pagsisikap. Kapag nakapagpasya na silang magiging mabuti sila sa isa’t isa, hinding-hindi hihina ang kanilang loob sa pagpapanatili ng kanilang relasyon. Ngunit maaari silang magkaroon ng magkasalungat na pananaw sa buhay na mas magpapahirap sa sitwasyon. Kung naniniwala sila sa halaga ng relasyon, kakayanin nilang pangibabawan ang kanilang mga pagkakaiba.



Ano ang pinakamagandang bagay tungkol sa relasyong Scorpio-Aquarius? Ang kanilang kakayahang magtagumpay sa kanilang pagkakaisa. Mayroong napakalakas na personalidad ang parehong sign, kaya’t walang mangingibabaw sa kanilang dalawa. Kapag pinahalagahan na nila ang kanilang mga pagkakaiba, nagkasundo at nagkaisa sa kanilang mga indibidwal na tungkulin sa relasyon, labis silang masisiyahan sa mga resulta.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.