SCORPIO AT CAPRICORN
Kung magmamahalan ang Scorpio at Capricorn hindi lang sila magkakaroon ng oportunidad na ma-enjoy ang isang mapagmahal na relasyon at matututunan ang kahalagahan ng pagiging isang pares, ngunit pati na rin ang pagiging mature. Maaaring makaramdam ng takot ang dalawa na matutunan ang isat’t isa sa umpisa, at ang emosyonal na babalang ito ay maaring makaapekto sa kanilang inisyal na impact sa kanilang relasyon. Kakailanganin ng panahon upang maging komportable sila sa isa’t isa. Magiging mahiyain man sila sa umpisa at hindi agad-agad magtitiwala, madidiskubre ng dalawang Sign na ito na sila’y magkakaroon ng malalim na koneksyon--sa pagiging pagkakaibigan at malalim na katapatan. Maraming matutunan kapag sila’y magsasama. Mula sa kanilang matatag at may kakayahang pares na Capricorn, matututunan ng Scorpio na makontrol ang kanilang pagiging mainitin ng ulo. Ngunit kailangang mag-ingat ang Capricorn na hindi maging masyadong mababa sa kanilang emosyonal na kritisismo sa kanilang sensitibong mangingibig na Scorpio. Ang mga walang damdaming komento ay maaaring makapagpainit sa Scorpio; nangangailangan sila ng malalim at marubdob na damdamin na may sinseridad sa lahat ng sitwasyon--lalung lalo na sa pag-ibig! Ang Capricorn, na abala sa mga bagay na gusto nilang makuha at kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanila, ay mabibigong kunin ang tsansa sa kanilang emosyon. Mula sa Scorpio, matututunan ng Capricorn ang kahalagahan ng pagtanaw sa panlabas na anyo ng mga bagay, ang kasiyahang nakukuha sa malalim na pagkilala sa ibang tao. Parehong gusto ng dalawang maging committed sa isang task. Kung makakapagdesiyon silang ang isang relasyon ang kanilang magiging malaking mithiin na maabot, walang makakapigil sa kanila.
Ang kanilang kombinasyon ay makakabuo ng isang masipag na pagsasama na nakabase sa matinding emosyon ng Scorpio at ambisyosong aksyon ng Capricorn. Magiging magandang team din sila sa negosyo, ngunit ang kanilang mga enerhiya ay mas napupunta sa damdamin at pagmamahal.
Ang Scorpio ay simbolo ng Tubig, at Lupa naman ang Capricorn. Ang mga simbolo Lupa ay tungkol sa praktikal na mga bagay at materyal na mga pag-aari. Magiging magandang balanse ito para sa mga simbolong Tubig. Naibabagay nila ang kanilang mga sarili sa anumang sitwasyon at ginagamit ang kanilang emosyon kaysa sa lohika bilang tugon. Ang pagsasama ng pagiging goal-oriented at katatagan ng Capricorn at madaling pakikibagay ng Scorpio ay maganda sa kanila--kung itutuon nila ito sa pag-ibig at kung pag-ibig ang kanilang goal, ito’y magiging matagumpay.
Maaaring hindi man sila ang pinakaromantikong Sign sa Zodiac, ngunit ang galing at talino sa negosyo at pagpaplano ng Capricorn ay magagamit sa paglikha ng elegante at planadong mga gabi ng romansa. Kung maipapakita ito ng Capricorn, masayang sasang-ayon at susunod ang Scorpio dito at makakadagdag ng ideya. Magiging magaling sa pakikinig ang Capricorn para sa mga malalim na kahulugan na ngamumula sa tinig ng kanilang kaparehang Scorpio at maiging bibigyang atensyon ang body language nito. Maaaring maging stubborn ang dalawang Sign na ito at maaaring mauwi sa mga pagtatalo. Ganundin, kapag nabibigo ang Scorpio, ginagamit nila ang kanilang emosyon at dumidistansya palayo na halos hindi na babalik. Kailangang maintindihan at tanggapin ito ng dalawa kung gusto nilang magtagumpay ang kanilang relasyon.
Ano ang pinakamagandang bagay sa relasyong Scorpio-Capricorn? Ang kanilang determinasyon sa mga parehong ideya at ang kanilang matibay na debosyon sa isa’t isa. Mabubuksan nila ang kanilang pinto para sa isa’t isa at maipapakita ang bagong paraan ng kaalaman at pakiramdam.