Bagay ba Scorpio at Pisces? Magkasundo ba kami ng syota boyfriend ko? Horoscope

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

SCORPIO AT PISCES

Kung makakagawa ng pagmamahalan ang Scorpio at Pisces, ang kanilang pagsasama ay puno ng respeto at pag-unawa. Rareho ang kanilang sinisimbolo--Tubig--kaya madali sa kanilang maramdaman at maunawaan ang isip at damdamin ng bawat isa. Malalim kung mag-isip ang Scorpio, at minsan ay nahuhuli sa kanilang sariling sikretong plano habang idealistic at naghahanap ng kamalian sa mga sitwasyon ang Pisces. Ganunpaman, maaaring magkaroon ng parehong katangian ang Pisces gaya ng sa Scorpio, at mapapatawad ang Scorpio sa kanilang pagiging misteryoso at tahimik minsan.


Parehong madamdamin ang dalawang Sign at nakakaramdam ng kalaliman ng interaksyon sa mga tao. Matutulungan ng Scorpio ang Picses sa kanyang mga pangarap at ambisyon--gawing realidad ang kanyang mga ideya. Maibibigay ng Scorpio ang isang matibay na pundasyon sa kanilang relasyon at magugustuhan naman ito ng Pisces. Maibibigay naman ng Pisces ang galang, kabaitan, at simpatiya na nagugustuhan ng Scorpio. Interesado ang Scorpio sa mga materyal na kasagaan at madamdaming emosyon at kung minsan ay hindi maiintindihan ang simple at sobrang kabaitan na katangian ng Pisces. Ang kanilang mga pangmatagalang kagustuhan ay hindi pareho. Kapag maiintindihan at malampasan nila ang mga pagkakaibang ito, magiging rewarding ang kanilang relasyon.


Ang mga Scorpio ay katibayan ng pagiging agresibo, matapang, walang takot at minsan, mapanlabang impluwensya. Maaaring matanggap ito ng Scorpio, ngunit maaaring maibigay din. Napapalambot ng enerhiyang nagmumula sa pagiging mapanaginip at kalangitan ng Pisces ang mga katangiang ito ng Scorpio. Ang pinaghalong kapangyarihang ito ng mga planeta ay nakakalikha ng balanseng relasyon, may drama at emosyonal na intriga; isa itong totoong mala-langit na pagsasama. Ganunpaman, kailangang mabigyan ng Scorpio ang kanilang mahal na Isda na makapaglangoy; ang sensitibong Pisces ay nasu-suffocate din sa maraming demands.



Bagay ang dalawang Sign dahil naa-appreciate at nagagamit nila ang mga katangiang ito para sa ikakabuti nila. Ang kapalaran ng Pisces ay para mapagtipon ang mga tao, at kapag nahagilap ng enerhiyang ito ang lakas at katapangan ng Scorpio, wala nang lalakas pa sa kanilang pagsasama. Para sa Scorpio, ang lahat ay maaaring tama lang o mali. Nabubuksan ng pasensyosong Pisces ang ibang mundo para sa kanyang kaparehang Scorpio, ang mas malim at malaking larawan nito kaysa sa mga malilit na detalye lamang. Maaaring mapuno ang Scorpio sa pagiging mahina ng Pisces, at magiging makasarili at insensitibo naman ang Scorpio para sa Pisces sa kanilang mga emosyonal na pangangailangan. Ganunpaman, hindi sila mahihirapang mahanapan ito ng solusyon at magkaroon ng kompromiso.


Inilalagay ng Scorpio ang kanilang enerhiya sa isang bagay sa isang panahon, ngunit palipat-lipat naman ang Pisces sa kung saan man sila dalhin ng kanilang nararamdaman.


Nakakasabay ang Pisces sa buhay at libangan ng kanilang mangingibig na Scorpio. Bilang ganti, kailangang mabigyan ng Scorpio ng kalayaan ang Pisces na ma-enjoy ang kanilang mga personal na interes. Maipapakita ng Pisces sa Scorpio na ang pagiging flexible ay masaya at exciting, na pwedeng magkaroon ng kompromiso na walang malaking pagtatalo o kahirapan para dito. Kinakain ng kanya-kanya nilang mga enerhiya ang enerhiya ng isa’t isa, na mas nagpapalakas at nagbibigay sa kanila ng satisfying na pagsasama.



Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Scorpio-Pisces? Ang kanilang parehong malakas na mga emosyon, ang kanilang pagiging sensitibo sa mga bagay sa buhay, hanggang sa mas mala-langit na mahika ng pag-ibig. Ang kanilang relasyon ay isang pagkakaisa at katuparan. Pareho silang namumuhay na may pang-unawa at naghahanap ng totoo at malalim na commitments, at ang kanilang koneksyon ay magpapanatiling matibay sa kanila at ang kanilang pagmamahalan ay walang maliw.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.