SCORPIO AT SCORPIO
Kapag dalawang Scorpio ang mag-iibigan, ito’y magiging mainit at maalab na pagsasama. Parehong obsessed ang dalawa sa isa’t isa, at umaabante sila sa pagmamahalan, sex, at romansa nang mabilis--na para sa iba, ay maaaring maging sobra na. Magiging positibo ang kanilang mga personal na relasyon, ngunit, magkakaroon rin ng matinding pagtatalo. Ang kanilang relasyon ay pwedeng maging pinakamaganda sa kanilang mundo o pagkagiba nilang pareho.
Ang pagsasama ng dalawang sexual na Scorpio ay makakapaglabas ng pinakamagandang katangian mula sa bawat isa. Gagamitin nila ang kanilang matinding emosyon at damdamin upang mahalin ang kanilang kapareha. Ang kanilang determinasyon at damdamin ang magpapanatil sa kanilang magkasama. Magiging mahirap tibagin ang kanilang masaya at totoong commitment sa isa’t isa. Kung pagtatalunan nila ang kanilang malalakas na enerhiya, ang pares na ito ay makakalikha ng pasabog.
Ang Scorpio ay Simbolo ng Tubig, kaya ang kanilang unang mararamdaman sa pagmamahal ay malalim at mapusok, at buong-buo nilang ini-express ang kanilang mga sarili. Kailangang magkaroon at mai-commit ng Scorpio ang sarili sa goal na ito: paamuhin ang kanilng mga sarili sa kanilang madamdaming personalidad at tamasin ang magagandang bagay at kalimutan ang hindi magagandang bagay. Kailangan nilang magpakawala at sabihin anuman ang kanilang gusto, nararamdaman, at kailangan sa kanilang kapareha. Hindi maganda ang mga itinatagong emosyon, nakaka-apekto ito sa kanilang pares.
Dahil pareho silang devoted, maaaring maging issue ang pagseselos. Kailangang maging matatag, matapang at malampasan ito ng mga Scorpio! Hindi rin magiging issue sa kanila ang hindi pagkakaroon ng mga ideya. Hindi nila gusto ang magmukmok-- gusto nilang maging aktibo at marami silang matutupad nang magkasama. Parehong gusto nila ang mga investments at mga pagsubok. Niri-research nila nang maigi at iniimbestigahan ang isang ideya kung kinakailangan. Nakukuha nila ang kanilang gusto kung pagsisikapan nila ito.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Sorpio-Scorpio? Ang lakas ng pagmamahal na kanilang nararamdaman. Sila’y goal-oriented at ang kanilang pinagsamang lakas at enerhiya ay hindi maikukumpara at natatalo! Ang kanilang debosyon at makakapagsiguradong ang kanilang relasyon ay magtatagal.