TAURUS at AQUARIUS
Kapag mag-iibigan ang Taurus at Aquarius, magiging malakas ang kanilang pagsasama, kapag alam nila kung paano pagsamahin ang kanilang mga pagsisikap. Kung gaano ka-praktikal at down-to-earth ang diskarte sa buhay ng Taurus, kabaliktaran naman ito sa Aquarius, na may unconventional at kakaibang diskarte sa buhay sa halos lahat ng bagay. Ayaw ng pagbabago ng Taurus, habang ang Aquarius ang pinaka progresibo sa lahat ng 12 Signs. Paano nagkakaintindihan ang dalawa? Kahit kunti lang ang kanilang pagkakatulad sa mga interes, pareho naman silang may malakas na pananalig upang magtagumpay—na ngangahulugang mas magiging epektibo sila bilang business partners, kesa sa magkasintahan.
Dahil parehong may mga opinion sa kanilang mga sarili, dapat iwasan ang mga pagtatalo, dahil sa kanilang magkaibang reaksiyon sa tension. Kapag nagalit ang Taurus, para silang galit na toro; kung napi- pressure ang Aquarius, karaniwan silang umaalis na lang sa argumento, nanahimik na lang para magbigay espasyo sa kaaway. Maaring maging dahilan ito para mas magalit ang Taurus, at dahilan din para mas manahimik at aalis ang Aquarius. Gusto nilang mamamuhay nang walang masyadong inaalala. Maaring isipin ng moderno at progresibong Aquarius na boring ang dedikasyon ng Taurus sa kanyang routine. Maaaring isipin ng Taurus na exciting ang Aquarius kaya lang, maari ring mahirapan ito na sumunod sa mabilis na pag-iiisip ng nito. Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, may maibibigay naman silang dalawa sa isat’ isa. Kahit mahirap aminin ng Aquarius (kahit sa kanilang sarili), iisipin nilang nakakagaan ng loob ang suporta na naibibigay ng Taurus sa kanila, at ang Taurus naman, mararamdamang nakakasigla ang presensya ng Aquarius kung hindi man nakakagaan ng pakiramdam.
Maipapakita ng Taurus sa Aquarius na ang buhay ay nakabase sa emosyon at mapapabuti ng kagandahan at aliw. Matuturuan ng Aquarius ang Taurus kung paano magsumikap mapabuti pa ang mga bagay – at kung paano iwan ang mga bagay na hindi na gumagana, isang importanteng leksyon na dapat matutunan ng Taurus.
Ang Taurus ay Earth Sign at ang Aquarius ay Air Sign. Nakatuon sa intelektwal na koneksyon at hangarin ang Aquarius habang sa praktikal at sensual na interes ang Taurus.Kung saan naitatanong ng Taurus, “Paano ito makatulong sa pag-abot ng aking mga gusto sa buhay?” habang ang Aquarius, “Ano pa?” Maaaring magkaroon ng problema ang dalawang Signs na ito sa pag-intindi sa bawat isa; kung masyadong dumikit ang Taurus o masyadong malamig ang Aquarius, maaaring magkaroon ng problema. Pero kapag pag-ibig at respeto ang kanilang paiiralin, magiging buo ang magandang pagsasama ng dalawa at matutunan nila ang isat’ isa.
Parehong Fixed Signs ang Taurus at Aquarius. Pareho silang matigas ang kalooban, hindi nila gustong mabago ang kanilang opinyon kung buo na ang kanilang isip. At ito’y ganun din sa kanilang personal na buhay: kapag silay’ committed sa isat’ isa, wala nang makaka impluwensiya sa kanila na bitawan at pabayaan ang kanilang relasyon. Kapag ang kanilang relasyon ay maganda at nakakatulong sa bawat isa, ito’y isang magandang bagay, ngunit posibleng mapigilan ang kanilang personal growth kung ito’y pumipigil lamang sa kanilang dalawa, o sa isat’ isa, at ang kanilang pagtanggi na aminin ito. Kapag naisip nilang mas maganda kung magtutulungan sila kesa mag-away, mananatiling maganda at productive ang kanilang pagsasama. Ang Taurus ang karaniwang umaalis sa argumento kung praktikal ito para sa kanya.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Taurus-Aquarius? Ang hindi mapipigilang lakas ng kanilang tambalan na posible kapag nakayanan nila ang lahat ng paghihirap sa kanila. Pareho silang may malalakas na personalidad, kaya walang magiging dominante sa kanila—kahit gaano nila ito subukan! Magiging maganda at puno ng kasiyahan ang kanilang pagsasama kung susubukan nilang intindihin ang bawat isa para sa kanila.