TAURUS at GEMINI
Kapag ang Taurus at Gemini ay nagsama at mag-iibigan, kailangan nilang malaman kung ano ang mga dynamics sa isang relasyon at paano sila dapat magsama. Pareho silang may maibibigay sa kapareha at marami ring dapat malaman sa kanilang relasyon, ngunit kailangan din nila ng adjustment at effort mula sa bawat isa. Ang simbolo ng Gemini ay Kambal; ang sign na ito ay nangangahulugan ng dalawang isip sa mga bagay. Kapag ang possessive na Taurus ay kayang magparaya na maibigay sa isang kambal ang seguridad at intimacy sa kanilang relasyon, habang naibibigay sa isang kambal ang kalayaan, magiging payapa at humantong sa magandang pagsasama ang dalawa. Maaring maging agresibo ang Taurus para kay Gemini sa unang yugto ng kanilang relasyon, ngunit ang Gemini ay maaaring maging maaasahan at steady--kailangang maging pasensyoso ni Taurus.
Ang praktikal na approach ni Taurus sa buhay ay kaiba sa marahan at intellectual na approach ni Gemini. Ito’y maaaring isang mahirap na dynamic, dahil pwedeng isipin ni Gemini na medyo dull o boring si Taurus, habang iisipin ni Taurus na iresponsable at mababa si Gemini. Marami silang matutunan sa isat’isa, ganunpaman: pwedeng turuan ng Taurus ang Gemini na maging deeply involved sa buhay; at turuan ni Gemini si Taurus na maging mas masaya at magdagdag ng excitement sa kanilang buhay.
Maghahanap ng maasahan at sensual na partner si Taurus, kaya ang katalinuhan ni Gemini ay maaaring mawala sa paningin ni Taurus. Maaaring ito’y maging problema, dahil para sa mga Gemini, ang katalinuhan ay ang pinaka importanteng bagay tungkol sa kanila. Ang magandang dito, sapat na mataino si Gemini para matutong maging romantic, sensual na partner para kay Taurus.
Ang Taurus ay isang Earth Sign at ang Gemini ay isang Air Sign. Ginagamit ni Gemini ang katalinuhan sa pagdedesisyon sa mga bagay, habang mas praktikal si Taurus. Para kay Taurus, tinatanong niya sa sarili, “Paano ito makakatulong para makamit ko ang gusto ko sa buhay?” habang si Gemini ay hindi napi-pressure, at sumasabay lang sa agos ng buhay. Kapag magpapadala si Taurus sa kanyang possessive na damdamin o emosyon, o maging malayo at walang pakiramdam si Gemini (na karaniwan sa kanila) maaaring mag-suffer ang kanilang relasyon. Kailangan nilang magig mas open sa isat’isa at maging flexible para mag bunga ang kanilang pagsasama. Kahit na predictable si Gemini, maaaring matutuhan at maunawaan ni Taurus na kahit pwedeng mag flirt ni Gemini, importante pa rin ang kanilang relasyon. At dahil may katigasan ng loob si Taurus, kailangang gamitin ni Gemini ang kanyang flexibility para sumunod sa kahilingan ni Taurus paminsan-minsan.
Ang Taurus ay Fixed Sign at ang Gemini ay Mutable (pabago-bago) Sign. Karaniwang nakatuon lamang si Taurus sa isang bagay, tao, ideya at a time, habang nagpapalit-palit si Gemini mula sa isang bagay (o tao) base sa kanyang gusto. Kailangang mabigyan ni Taurus ng karampatang espasyo at kalayaan si Gemini--at matutuhan kay Gemini na ang pagiging versatile ay mas mabuti minsan, kesa maging fixed sa determinasyong gawin ang mga bagay para sa sarili.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa Taurus-Gemini na relasyon? Ang seguridad na naibibigay ng dalawa sa sarili kapag naibigay ni Taurus kay Gemini ito nang malaya. Ang kanilang relasyon ay magiging stable at masaya basta mapapanatili nila ang pakikipag-communicate sa isat’ isa.