Bagay ba Taurus at Leo? Sino makakatuluyan ko sa habang buhay? Kapalaran

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

TAURUS at LEO

Taurus Leo Love Compatibility Romance

Sa pag-iibigang Taurus at Leo, maaaring sila’y maging magandang magkapares dahil alam nila kung paano sawayin ang bawat isa, at gusto din nila na sila’y sinasaway. Pareho sila ng mga pangangailangan: kailangan ng Taurus na sinusuyo, minamahal, pinahahalagahan, habang ang Leo ay gustong punupuri at gusto ring minamahal at magustuhan. Pareho silang sobrang loyal at possessive. Dahil pareho sila ng mga kagustuhan, naibibigay nila anuman ang kailangan ng bawat isa mula sa kanila.


Ang dalawang Signs na ito’y parehong gusto ang pag-ibig at pag-aari. Gusto nila ang physical comfort at luho; ang Leo ay mapagbigay ng atensyon at mga regalo, na magpapasaya sa Taurus, na gusto rin ang tradisyonal na pagsusuyo. Maganda man ang kanilang pagsasama, kailangan nilang maintindihan at matanngap ang bawat isa, dahil sila ay parehong may katigasan ng loob.


Ang Taurus ay Earth Sign at ang Leo ay Fire Sign (apoy). Pareho silang maambisyon pero magkaiba sa pamamaraan. Gusto ng Leo ang katanyagan at kayamanan, habang ang Taurus ay minimithi ang seguridad at magandang katayuan sa buhay at pag-ibig. Dahil sa kagustuhan nilang maging lider, maaaring pag-awayan nila kung sino ang magiging dominante sa kanilang dalawa. Sa mga argumento, hindi nagpapatalo ang Taurus, dahil para sa kanya, nagpapakita ito ng pagkatalo, maliban na lang kung ito’y para maging praktikal. Bagaman sila’y magtatalo, ang lahat ay mapapabuti rin basta mapaparamdam nila sa isat’ isa na mas importate ang kanilang relasyon kesa dito.


Parehong Fixed Signs ang Taurus at Leo. Ito’y nangangahulugang pareho silang may katigasan ng loob; kapag buo na ang kanilang mga isip, kailangan ng maraming pagpapasya para lang mabago nila ito. Ito ang dahilan na nagkakaroon sila ng maiinit na mga argumento--pareho nilang iniisip na sila’y tama, at ang kanilang iniisip ay ang tanging tama. Pareho din nilang hindi gusto ang magbago; gusto nilang makuha ang mga bagay at magpatuloy lamang sa ganyang kalagayan--kahit na meron pang pwedeng ma-improve dito. Kapag nakapag-desisyon sila na magtagal sa kanilang relasyon, halos walang anuman ang makaka-kumbinse sa kanila na iwan ang kapareha. Ito’y mabuti para maging matatag ang kanilang relasyon pero masama naman kapag ang kanilang relasyon ay destructive o may mga di-pagsang ayon sa isat’ isa.



Ang pinakamagandang aspeto sa kanila? Ang kanilang parehong paghanga. Ang dalawang Signs ay may mga malakas na personalidad, kaya wala sa isa sa kanila ang magiging dominante sa isa--kahit gaano nila ito subukan! Para sa iba sila ang eksaktong match dahil pareho nilang pinahahalagahang makuha ang kanilang mga mithiin.



About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.