TAURUS at SAGITTARIUS
Madamdamin at mapusok ang koneksyon kapag nagsama ang Taurus at Sagittarius sa pag-iibigan, ngunit kailangan nilang matutunan ang partikular na enerhiya na nagmumula sa kanilang relasyon. Marami silang makukuha sa kanilang pagsasama! Habang umuunlad ang Sagittarius kapag palagi silang nakikisalamuha sa mga bagong tao, lugar, at pagkain at iba pa, ang Taurus ay kontento naman kung ano ang nakasanayan na niya. Sa simula ng relasyon, maaaring mag-demand ng commitment at katatagan ang Taurus higit sa kayang ibigay ng Sagittarius, ngunit kailangang maging pasensyoso ng Taurus.
Magkaiba ang approach ng dalawang Signs sa buhay. Ang Taurus ay tahimik at praktikal, hindi gaya ng hindi mapakaling kilos ng Sagittarius. Pwedeng hindi sumang-ayon ng Sagittarius sa pagiging kampante ni Taurus, at susubukang mabago ito—na maganda para maging pasiglahin ang steady at mabagal na Taurus. Maraming maibibigay ang Taurus sa Sagittarius, ngunit pwedeng hindi aminin ng Sagittarius ang kanilang pangangailangan sa seguridad. Makakapagbigay naman ng kasiyahan at pakikipagsapalaran ang Sagittarius sa buhay ng Taurus.
Kailangan ng Sagittarius ang espasyo upang malaya itong makakilos; habang ang Taurus ay mapagpakumbaba at nangangailangan ng stability. Umaasa ang Sagittarius sa kanilang pakiramdam at mga kagustuhan sa buhay, habang ang Taurus ay praktikal at pinahahalagahan ang husay. Maaring makakatulong ang dalawang approach na ito o maging sanhi ng stress kapag hindi nila maintindihan at matanggap ang bawat isa. Kapag mai-assure nila sa isa’t isa na espesyal at importante ang kanilang relasyon (lalung lalo na ng Taurus), magiging matiwasay ang mga bagay sa pagitan nila.
Ang Taurus ay may matigas na kalooban; kapag buo na ang kanilang isip, kailangan ng maraming pagkumbinse para mabago ito. Gusto ng Sagittarius ang pabago-bago. Kapag ito’y maghahanap ng bagong partner, dapat na mag-ingat ang Sagittarius. Ayaw na ayaw ng Taurus ang pangangaliwa o pagtataksil; kapag ito’y nangyari, masasaktan ng husto ang Taurus at maaaring hindi ito makayanan ng relasyon. Kailangang mabigyan ng Taurus ng kalayaan ang Sagittarius para masiyahan sa mga bagong karanasan at mga tao (sa mababaw na level!) Maaaring turuan ng Taurus ang Sagittarius sa mga benepisyo ng seguridad ng relasyon; at turuan ng Sagittarius ang Taurus na minsan, mainam din ang pagbabago kesa makalumang pamamaraan.
Ang pinakamagandang aspeto sa Taurus- Sagittarius na relasyon? Ang mga bagong perspektibong naibibigay nila sa isat’ isa kapag nagiging pamilyar na sila sa mga bagay na sila’y nagkakaiba. Magiging stable at masaya ang kanilang pagsasama kapag maiintindihan at matanggap nila ang kanilang pagkakaiba.