Bagay ba Taurus at Taurus? Sino makakatuluyan ko sa habang buhay at pagtanda?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

TAURUS at TAURUS

Kapag dalawang Taureans ang nag-iibigan, ito ay isang tunay at matatag na relasyon - napapasaya nila ang isat’ isa nang walang katapusan. Ito ang mga bagay na pinahalahalagahan ng Taurus (kasama ang katapatan, pagbabahagi ng masarap na pagkain at iba pa ...). Kapag magkasama ang dalawa, ito’y maaring pagsasamahan na panghabambuhay. Pareho nilang pinapahalagahan ang sa isat’ isa: Nirerespeto nila ang mga nais ng kanilang kapareha dahil pareho nila itong kailangan sa kanilang sarili. Sila ay parehong kaakit-akit, kaaya-aya at marangal. Maaari silang magkaroon ng katigasan ng loob at puno ng opinyon, maging seloso at possessive. Lahat ng Taurus ay dapat matutong sumang-ayon sa hindi pagsang-ayon, lalo na ng dalawang magkasamang Taurus; kailangan nilang malaman na ang kanilang relasyon ay masyadong maganda para lang sa mga argumento.


Ang Taureans ay may malakas na paghahangad at commitment. Gustung-gusto nila ang proseso ng panliligaw, kaya binubuo nila ang kanilang relasyon nang may pag-aalaga sa simula. Bihira sa kanila ang nagmamadali sa relasyon, ngunit sa sandaling sila ay committed na, ito ay buong-buo-- kahit pa habambuhay. Pareho silang mapagbigay at aasahan ang debosyon ng bawat isa kapag sila ang magsasama. Dahil sa debosyon na ito, ang Taurus-Taurus na pares ay maaaring maging mas mapang-angkin sa bawat isa kaysa sa ibang pares. Hinding-hindi nila gusto na sila’y pagtaksilan, ngunit - sa kabutihang-palad - dahil sila’y dedicated sa bawat isa at dahil sila’y mapagkakatiwalaan, ang pangangaliwa ay bihira.


Sila rin ay masyadong romantiko at mapagmahal, at hindi sila nagsasawa sa physical contact at pagsusuyo. Ito ay mga malalakas na katangian ng Signs ng Taureans; gusto nilang lumabas buong araw at gabi at sa susunond na araw ... Sila’y sensual at ini-enjoy na sila’y inaalagaan. Mahalaga sa kanila ang emosyonal na seguridad, at kapag ito ay nasa kanilang relasyon, sila’y magiging disiplinado at malaya kung gugustuhin nila. Maaari silang maging tamad, at maging masyadong relaxed, ngunit sa pangkalahatan, sila’y masipag upang makuha nila ang estado ng buhay na kanilang gusto.


Ang Taurus ay isang Earth Sign. Gustong-gusto nila ang paghahalaman (pareho nilang gusto ang kagandahan ng mundo). Ang Earth Signs ay tungkol din sa mga ari-arian, at karaniwan nilang pinapalibutan ang kanilang sarili ng mga magagandang bagay- magarang bahay, artwork, mamahaling mga tela at kahit mga sasakyan.


Mahilig din sila sa mga pagkain-- ang regular na fitness routine o pag-e-ehersisyo ay mainam para sa kanilang dalawa para manatiling maganda ang pangangatawan.


Ang Taurus ay Fixed Sign. Sa kombinasyong Taurus-Taurus, ang magkapareha ay pursigido sa kung anuman ang gusto nilang makamit-- at pareho nilang pinahahalagahan ang opinyon ng isat’isa. Hindi nila masyadong gusto ang pagbabago, mas gusto nilang stable, steady, at predictable lang ang buhay nila. Kapag pareho nilang alam na mabuti ang kanilang pagsasama, dini-devote nila ang kanilang mga sarili sa bawat isa. Pero kapag sila nama’y may magkaibang ideya, maaring rin silang magtalo. Kapag alam nilang pareho ang kanilang mga mithiin at gusto sa buhay, maaaring maging posible ang lahat sa kanila.



Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Taurus-Taurus? Ang kanilang katapatan sa isat’isa at ang dedikasyon sa kanilang pagsasama--kahit gaano man katagal ang kanilang relasyon. Ang pag-iibigan at pagiging komportable nila sa isat’ isa ang dahilan ng devoted at pangmatagalang pagsasama.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.