VIRGO AT AQUARIUS
Kung magsasama sa pag-iibigan ang Virgo at Aquarius, nailalabas nila ang pinakamaganda o pangit na bahagi ng bawat isa. Nakabase sa teorya at hindi pabagu-bago ang pamamaraan sa buhay ang Virgo. Kabaligtaran naman ito para sa Aquarius, na walang alam sa siyentipikong mundo. Ngunit kayang pagsumikapan ng dalawa ang kanilang pagkakaiba; at uusbong ang kanilang pagsasama habang may natutuunan sila sa bawat isa.
Ang Aquarius ay madamdamin at mayamutin habang ang Virgo ay methodical o ginagamit ang pamamaraan base sa kanilang naiisip at pagiging praktikal. Organisado at kalma lang ang Virgo. Moderno naman ang Aquarius at ayaw na ayaw ang routine o palagiang gawain. Maaaring exciting para sa Virgo ang Aquarius ngunit maaaring mairita sa pagiging matanong sa kanya. Hindi magugustuhan ng Aquarius ang kritisismo ng Virgo, nguit gustong-gusto ang katatagan na naiibigay nito sa relasyon.
Hinahanap ng Aquarius sa buhay ang spiritwal na kamalayan, habang intelektwal naman para sa Virgo. Hinahanap ng Virgo ang ‘paano’ at ‘bakit’ sa isang sitwasyon, habang ang Aquarian ay nakatuon lamang sa kung ano ang nakakapukaw sa kanila, praktikal o hindi, at naitatanong, ‘ano ang kasunod nito?’ Minsan, magiging mahirap sa dalawa na maintindihan ang bawat perspektibo ng isa. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kung masyadong obsessed ang Virgo sa pagkakarooon ng perpektong relasyon o magiging masyadong hindi makikialam at tahimik lang ang Aquarius.
Kailangang ma-appreciate at irespeto nila ang bawat opinyon ng isa, at makitang marami silang matututunan mula sa kanilang kapareha.
Maaring maging matigas ang kalooban, opinionated at hindi maintindihan ang Aquarius. Parehong madamdamin ang dalawa na makamit ang kanilang parehong goals. Madali sa Virgo na makipagsabayan sa anumang social situation. Nasisiyahan ang Virgo sa pagtulong sa Aquarius kung naa-appreciate naman ito ng huli. Hindi gaanong magkaroon ng pagtatalo ang dalawa, at kung meron man, madaling mareresolba ito sa pagiging accommodating ng Virgo kaysa sa anumang kahilingan sa parte naman ng Aquarius. Mas madali para sa dalawang makuha ang kanilang gusto kung maiintindihan nilang pareho lang ang kanilang goal. Mas realistic ang Virgo kaysa sa Aquarius at mas may kusang loob upang iwasan ang isang mainit na pagtatalo.
Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Virgo-Aquarius? Ito’y kung sila’y magsasama bilang isa, at ang kanilang pinagsamang ambisyon ang magtutulak sa kanila upang gawin ang mga magagandang bagay para sa kanila. Ang kanilang relasyon ay informative, nakakapukaw at kasiya-siya para sa kanila.