Bagay ba Virgo at Leo? Magkakasundo ba kami ng syota kasintahan o crush ko?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

VIRGO AT LEO

Virgo Leo compatible love compatibility romance zodiac sign horoscope

Kung magsasama sa pag-iibigan ang Virgo at Leo, maaaring hindi nila makita ang kanilang mga parehong interes at maramdamang wala silang makukuha sa bawat isa. Ang relasyong ito ay nangangailangan ng panahon, habang unti-unting nauunawaan at naa-appreciate nila ang bawat isa. Ang Leo ay extroverted, dominante, at may karisma. Ang Virgo naman ay mahilig sa pag aaral ng mga bagay at kayang mapag-isa, at may kakayahan sa pagiging versatile kayasa sa Leo. Kahit na may mga pagkakaiba, makakalikha sila ng isang magandang pag-iibigan kung matutunan nila ang iba’t ibang istilo ng bawat isa.


Sa simula ng relasyon, maaaring puro kamalian ang makikita ng dalawa sa bawat isa. Maaaring maging mapaniil ang Leo, at masyadong mapanghusga naman ang Virgo. Ngunit kung titigilan nilang tingnan ang mga mali ng bawat isa, at simulang madiskubre ang mga positibong katangian, madidiskubre rin nila ang atraksyon. Maipapakita ng Leo sa Virgo ang magagandang sandali at saya na kadalasang wala sa buhay ng Virgo. Natuturuan ng Virgo ang Leo ng pasensya at mag-focus sa kanilang intelektwal na lakas. Maaaring maramdaman ng Leo na masyadong nakabantay sa kanya ang Virgo, ngunit gagawin nito ang lahat para ma-inspire ito. Maaari ring isipin ng Virgo na makasarili ang Leo, pero matuturuan nila itong maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba.


Parehong kailangan ng dalawang Sign ang panahon na makita ang halaga ng pamamaraan ng bawat isa; matuturuan ng Leo ang Virgo na hindi masyadong mapanghusga at magkusang loob, habang nakakakuha ng kasiguraduhan mula sa Virgo. Sinisimulan ng Leo ang mga bagay na hindi tumitigil para isipin ang kanilang motivation, habang ginagamit naman ng Virgo ang praktikal na pamamaraan. Nag-aalala ang Virgo sa kahinanatnan ng kanilang pagsisikap habang tuloy-tuloy lang ang Leo sa kung ano man ang gusto nila na hindi iniisip ang magiging resulta nito.


Gusto ng Virgo na magsikap at gawin ang iba pang bagay. Ang Leo naman ay gustong pangunahan ang isang proyekto at mag-talaga ng mga tao para pagtrabahuan ito. Ang kawalan ng pagtatalo kung sino ang dapat mamuno sa kanilang relasyon ang dahilan upang hindi sila magkaroon ng hindi magandang pag-uusisa sa karakter ng bawat isa.



Ano ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Leo-Virgo? Ito ay ang kanilang pagiging epektibo bilang magkapares. Metapora o literal man, nakukuha ng Leo ang atensyon at respeto sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga tao kung ano sila, at nagpupursige sa mga bagong ideya na nag-uudyok sa kanilang magkaroon ng saya at excitement. Nakasuporta naman ang Virgo, inaasikaso ang mga appointment at detalye sa mga bagay na napag-iwanan ng Leo. Ang kanilang mga personalidad, na opposite sa maraming paraan, ang dahilan upang ang kanilang relasyon ay maging isang magandang love match.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.