VIRGO AT LIBRA
Kapg magsama sa pagmamahalan ang Virgo at Libra, para itong pagsasama ng dalawang palaisipan o puzzle. Ang isa ay saktong naka lock sa isa at komportable dito. Parehong hanap nila ang seguridad sa isang relasyon at pagsasama, at parehong gusto ang ganda ng mga bagay sa paligid at kultura.
Magiging epektibo at smooth sa kanilang gawin ang mga bagay nang magkasama dahil pareho sila ng mga hinahangad. Maaaring magkaroon ng problema sa umpisa ng relasyon ngunit ito’y mawawala rin kung pareho nilang rerespituhin ang bawat isa. Pareho nilang gustong magkolekta ng mga bagay katulad ng mga lumang bagay, sining o mga larawan. Nai-enjoy din nila ang teatro at lahat ng klase ng sining. Importante sa kanila ang pratikalidad at kasiyahan at naibibigay nila ito sa bawat isa sa maraming paraan. Naa-appreciate ng Virgo ang charm at pagiging palakaibigan ng Libra, at nasosoluyunan ng Libra ang mga bagay para sa Virgo. Naa-appreciate ng Libra ang gusto ng Virgo sa kapayapaan at mga rewards na nakukuha mula dito. Bukod dito, nakikita nila ang iba’t ibang anggulo ng isang argumento, at nakakagawa lamang ng desisyon pagkatapos ma-examine ang katotohanan, nang magkasama.
Magaling sa pagsasalita, isang analyst, at mahusay kung mag-isip ang Virgo. Parehong gusto ng dalawa ang isang tapat na usapan at iba pa. Lalung lalo na ang Libra, na nangangahulugan ng balanse. May magagandang pag-uugali ang dalawa at gustong-gusto ang balanse sa mga bagay. Nadadala nila ang kultura at kagandahan nang magkasama sa mundong nakapalibot sa kanila. Dahil sa impluwensya ng Venus, maaaring maging tamad ang Libra, at para sa ibang tao, sila’y mapagmataas: ang Virgo sa kanilang mataas na mga expectation at ang Libra na guilty sa pagkakaroon ng intelectual superiority complex o pagiging mapagmarunong.
Nakadepende sa mga teorya ang Libra, at pragmatic naman ang Virgo. Naatanong ng Virgo, “Paano ito makakatulong sa pag-abot ng aking mga gusto sa buhay?” samantalang nakatuon naman ang Libra sa kung anuman ang duating sa kanila, anuman ang maitutulong nito sa kanila. Minsan, mahihirapan silang intindihin ang pinanggagalingan ng dalawa. Maaaring magkaroon ng conflict o gulo kung masyadong maging particular ang Virgo o magiging manipulative ang Libra. Kailangang maintindihan nila na hindi pareho ang pagtingin nila sa mundo.
Pinamumunuan ng Libra ang kanyang direksyon. Ang Virgo naman ay kampante at easy-going, at pwedeng maging guiding force ang Libra sa kanila, na hindi kailangang maging dominante. Maaaring makairita ang mabagal na pagkakaroon ng desisyon ng Libra, ngunit mahusay ang Libra sa pagtingin sa mga anggulo ng problema, at kadalasang nakakasimpatya sa mga desisyon ng Virgo. Kung ang Libra ang tagasimula sa kanilang relasyon, adaptable naibabagay naman ng Virgoang sarili para dito at handang sumuporta.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Virgo-Libra? Ang parehong gusto sa structure at sining. Importante sa kanilang dalawa ang kagandahan ng sining at mga bagay. Ang kanilang parehong mga gusto ang nagbibigay ng isang malaking balanse sa kanilang relasyon.