VIRGO AT PISCES
Kung magsasama sa pag-iibigan ang Virgo at Pisces, ito’y isang malusog na relasyon, sa pangkalahatan. Nasa opposite na direksyon ang dalawang Sign na ito sa Zodiac, at ang mga Sign na ito ay kalimitang may balanse, at naibibigay ang kakulangan ng isang Sign sa isa. Sila’y easy-going, at gustong-gusto ang pagtulong sa iba, pati na ang bawat isa. Nailalabas nila ang magagandang katangian ng bawat isa.
Gustong-gusto ng dalawang Sign ang kanilang kapareha. Hanap nila ang isang mapayapang relasyon. Sila’y maunawain. Matutulungan ng Virgo ang Pisces na makamit ang mga pangarap at ambisyon nito, sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman kung paano magiging realidad ang kanilang mga ideya. Maibibigay ng Virgo ang isang matibay na pundasyon para sa mas emosyonal at madamdaming Pisces. Gayundin, naibibigay ng Pisces ang kabaitan at malalim na emosyon na naa-appreciate naman ito ng Virgo. Interesado ang Virgo sa mga materyal na kasaganaan at minsan, hindi maiintindihan ang simpleng katangian ng Pisces. Maaaring masyadong magkaiba ang mga gusto nila sa buhay. Kapag natanggap at mapagtagumpayan nila ang mga pagkakaibang ito, at matututunang ipagsama ang kanilang enerhiya, ang kanilang relasyon ay magiging rewarding.
Sa pangkalahatan, bagay ang dalawa. Nabubuhay ang Pisces upang mag-connect sa sangkatauhan. Maaaring magkaroon ng mas stable na pananaw ang Virgo kaysa sa kanilang kapareha. Matutulungan nila ang kanilang mangingibig na Pisces dito. Ngunit hindi sa lahat ng panahon, ang isang magandang bagay ay nananatiling maganda kung hindi sila mag-iingat. Maaaring mairita at hindi magustuhan ng Virgo ang pagiging magaan lang ng Pisces sa mga bagay, at mararamdaman ng Pisces na masyadong siyentipiko ang Virgo. Ganunpaman, magiging madali sa kanilang mahanapan ito ng solusyon.
Parehong gusto ng dalawa ang sumunggab sa mga bagay at lumipat kung saan man sila dadalhin ng kanilang nararamdaman. Nagiging inspirasyon at suporta sila ng bawat isa, at nakakabuo ng isang cyclical ring ng mga bagong ideya at buhos ng excitement. Hindi sila gaanong magkakaroon ng pagtatalo at kung meron man, nareresolba kaagad ito. Pareho nilang alam ang kahalagahan ng kompromiso.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Virgo-Pisces? Ang kanilang pagiging bagay at harmonious na ugali na taglay ng bawat isa. Ang pangkalahatang pang-unawa at commitment na pinahahalagahan ng dalawang Sign sa kanilang relasyon ang nagpapatibay at nagpapatagal sa kanila. Lahat ay hahanga sa kanilang debosyon sa isa’t isa, pati na rin sa kanilang mga kaibigan at komunidad.