VIRGO AT SAGITTARIUS
Kapag magsama at mag-iibigan ang Vigo at Sagittarius, ang resulta ay isang mabisang pares. Mahilig sa pakikipagsapalaran ang Sagittarius na gustong-gustong makisalamuha sa mga tao, habang inaalisa naman ng Virgo ang mga discoveries o natutunan ng Sagittarius. Nai-enjoy nilang pag-usapan ito. Maaaring mag demand ng perfection ang Virgo mula sa Sagittarius nang mas maaga, ngunit paglipas ng panahon, maa-appreciate ng Scorpio ang pagkakaroon ng matibay at maaasahang mangingibig mula sa Virgo na ang ulo ay hindi palaging nasa ulap.
Ang dalawa ay may unique o kakaibang pamamaraan sa buhay; ang Virgo ay praktikal at hindi agad nadi-distract, habang ang Sagittarius ay isang masayahing manglalakbay. Maaaring mahirap para sa Sagittarius na sabayan ang pagiging pragmatic ng Virgo. At maaaring mahirapan din ang Virgo sa pagtanggap ng lakas at enerhiya na mayroon ang Sagittarius. Maibibigay ng Virgo sa Scorpio ang seguridad at nahahayaan sila sa kanilang mga pangarap at ambisyon. Makakapagbigay naman ng kasiyahan at nga bagong bagay sa araw ng Virgo ang Scorpio.
Mabibigyan nila ng kasiyahan ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa isang pelikula o libro, ang Virgo na nakatuon sa mga partikular na bagay nito, at ang Sagittarius sa pagtalakay sa kabuuan.
Nagangailangan ng kalayaan ang Sagittarius, habang kailangan ng Virgo na magkaroon ng pinansyal na katatagan at kasigaruduhan sa buhay at tahanan. Namo-motivate ang Sagittarius sa kanyang mga nararamdaman, habang ang Virgo ay sa kanyang mga iniisip. Kung maisisigurado nilang ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay matibay at totoo, mareresolba nila ang anumang problema sa kanila.
Nagagampanan ng dalawa ang iba’t ibang trabaho kung kinakailangan. Madali sa kanila ang magkaroon ng interes sa mga bagay na ginagawa ng bawat isa. Walang problema sa kanila ang pagbibigay kalayaan na ma-enjoy ang ibang bagay na labas sa kanilang relasyon. Maganda at mabisa ang kanilang interaksyon at hindi nagkakaroon ng problema na pagtrabahuan o ayusin ang mga problema nang magkasama.
Ano ang pinakamandang aspeto sa relasyong Virgo-Sagittarius? Ito’y ang seguridad na naibibigay nila sa bawat isa kapag nadiskubre nila ang kanilang mga pagkakapareho ng gawi sa buhay. Magiging maganda ang kanilang pagsasama kung matuturuan nila ang bawat isa na tingnan ang mundo gamit ang mga bagong mata. Kung may komunikasyon at maa-appreciate nila ang mga bagay na kanilang matututunan, ang kanilang relasyon ay magiging matatag at masaya.