VIRGO AT SCORPIO
Kung magsasama sa pag-iibigan ang Virgo at Scorpio, magiging maganda ito para sa dalawang Sign na dalawang posisyon ang pagitan sa Zodiac. Ang posisyong ito ay nagbibigay sa kanila ng isang malakas na karmic bond. Ang kanilang pagsasama ay tapat at malalim, na may matibay na pagsasamahan. Kadalasan, hindi sila gaanong nikikisalamuha sa maraming tao; hindi nila gustong pumunta sa mga pagtitipon o parties, ngunit nasisiyahan silang na magkasama.
Gusto ng dalawa na magkasamang magtrabaho upang may makuha mula dito: gusto ng Virgo ng kapayapaan o order at gusto naman ng Scorpio ng kapangyarihan. Parehong tungkol sa mga yaman ang dalawa, kasama na ang mga mana at mga pag-aari. Gusto nilang magserbisyo at sila’y maaasahan. Gusto nilang tumulong sa mga kaibigan o sa komunidad. Bukod dito, tahimik lang ang Virgo-- habang ang Scorpio ay masayahin at outgoing. Sa mga pagkakaiba, parehong may matutunan ang dalawa sa bawat isa kung pahihintulutan nilang mag kompromiso at magkaintindihan.
Malakas at matibay ang Scorpio, naa-attract sa enerhiyang ito ang Virgo. Bilang ganti, kailangan ng Scorpio ang pagiging tapat at praktikal na natural naman sa Virgo.
Malalim na Sign ang Scorpio; ito’y isang parang karagatan, at nakakalikha ng isang malaking delubyo kapag masyadong naalog. Tinatago nila ang kanlang emosyon, pero umaalburuto kapag napuno na ito. Ang parehong pangangailangan nila ng emosyonal na seguridad ang nagbibigay sa kanila ng matibay na katapatan sa bawat isa. Ngunit habang simple lang ang Virgo, na walang itinatago, ang Scorpio ay nag-aalala sa kung ano pa ang nakapaloob dito. Maipapakita ito ng Scorpio sa Virgo, ang mga bagay na nakapaloob sa isang bagay, hindi lang sa panlabas. Maiintindihan naman ng Virgo ang ibig sabihin ng Scorpio dito. Maituturo ng Virgo sa Scorpio ang realidad at katotohanan, na ito’y kadalasang literal. Naa-appreciate naman ng Scorpio ang pagiging praktikal ng Virgo, at nai-enjoy ng Virgo ang debosyong naibibigay ng Scorpio-- ito’y nagpapatunay na sila’y minamahal at pinahahalagahan.
Kapag may iisang goal ang dalawa, walang makakapigil sa kanilang pag-iibigan. Kung magkakaroon ng argumento, sapat na adaptable ang Virgo dito at kusang aatras at hindi hahayaang magkaroon ng pag-aaway at hayaang lumaki pa ito. Kadalasang nasusunod ang Scorpio dahil sa katigasan ng loob nito. Importante sa kanilang pag-usapan kung ano ang mas importante sa kanila upang magkaroon ng pantay na posisyon sa kanilang relasyon. Ang kanilang relasyon ay hindi nagigiba ng pag-aaway. Pareho nilang mas gustong magkasamang ayusin ito kaysa mag-away.
And pinakamagandang aspeto sa relasyong Virgo-Scorpio? Ang kanilang abilidad na gawin ang kanilang goals kapag naisaisip nila ito. Kapag malalaman at mapagtanto ng Scorpio na kapaki-pakinabang at nagbibigay balanse sa kanilang buhay ang Virgo, uusbong ang kanilang relasyon. Ang parehong determinasyon at organisasyon ang dahilan sa pagkakaroon nila ng mapayapang relasyon.