Para sa taong 2018, ang mga Cancer ay makakatagpo ng bagong mga pagpipilian na pwedeng habulin sa kanilang buhay. Kung ikaw ay mapangahas, ang mga pinakamagagaling sa iyong larangan ang makakalaban mo ngunit magtatagumpay ka nang hindi nasasaktan. Ang Mars ay tutulong sa iyo na ilabas ang enerhiya at aggresibong lakas para umakyat ng napakataas na mga bundok. Baguhin ang iyong nakatulog na potensyal na hindi nagagamit matagal na. Sumulong at huwag umatras, mga Cancer. Ito ay mainam na panahon para ipamalas ang talent at pagkamalikhain sa iba. Iwasan ang kawalan ng pasensya at mang-abala at umaksyon ka na.
Horoscope sa Karera ng Cancer sa 2018
Ang karera ang highlight ng taong 2018 ng mga Cancer. Ngunit dapat maging handa sa mga hindi inaasahang pagbabago sa propesyunal mong larangan sa tagal ng linggo. Makakaya mong i-handle ang mga importanteng isyu at sugo ng walang kahirap-hirap. Subukang i-motivate ang mga kasamahan sa grupo at kunin ang loob ng mga awtoridad. Ngunit may posibilidad ding makadaupang-palad ang hindi nakitang gawain ng kalaban kaya kailangang maging mapagmatyag sa mga bagay sa paligid mo. Ilagay ang enerhiya at determinasyon sa mga ambisyosong panukala at makakaya mong marating ang layunin mo sa buhay sa pagtagal ng taon. Ang mga nag-aambisyon ng pagbabago ay makukuha ito sa pagtatapos ng taon.
Pag-ibig at Pag-aasawa na Horoscope sa 2018 ng Cancer
Ang iyong buhay pag-ibig ay magiging napakaganda ngayong taong 2018. Ang lahat ng gusto at kahilingan mo sa iyong relasyon ay makukuha mo. Mabubuhay ka ng maganda salamat sa pagtitiyaga ng iyong partner o minamahal. Karamihan sa inyo ay magiging emosyonal ang buhay ngayong taon, kung saan ang kasalukuyang kalagayan ay mangangailangan ng senswal na gawain. Iwasan ang lahat ng ito pati ng guilt at tamasain ang magandang buhay at pag-ibig na dadating sa’yo. Ngunit siguraduhing hindi ka sosobra sa aspetong ito sa ngayon at baka magkaroon ito ng hindi magandang implikasyon sa iyong personal na buhay. Kung ikaw ay nasa isang relasyon na, iwasan ang mga sensitibong isyu na makakahadlang sa relasyon. Sabihin ang mga kagustuhan sa isang magandang atmosphere sa iyong partner. Ang mga single naman ay magkakaroon ng maraming positibong encounters sa taong ito. Ang pangalawang hati ng taon ay magiging mabunga kumpara sa nauna.
Pinansyal na Horoscope Ngayong 2018 sa Cancer
Ang pinansyal mong kalagayan ay magiging maganda sa darating na taon. Ang pera ay darating sa lahat ng quarter ng taon sa pamamagitan ng sweldo, bayad sa real estate, mana atbp. Ikaw ay magiging bukas sa iba’t-ibang klase ng pangmatagalang investment sa ngayon. May bagong swerte ang papabor sa’yo sa taong 2018. Gumawa ng kalkulado at mapangahas na mga hakbang kung ikaw ay may interes sa speculative deals. Ngunit huwag umasa sa may darating na kayamanan. Kunin lamang ang kakayanin mo. Ang pag-unlad mong pang propesyunal at mga commitments mo ay magpapaunlad sa pinansyal mong katayuan sa darating na taon. Huwag ilagay ang lahat ng swerte mo sa iisang bagay, sa halip ay i-diversify ang ipon at investment sa pangmatagalang benepisyo nang walang masyadong panganib sa principal amount nito.
Payo para sa Cancer sa 2018
Para sa taong 2018, pinapayuhan ang mga Cancer na maging mapangahas. Ang mundo sa paligid mo ay hihingi ng mas marami mula sa’yo, at dapat handa ka para dito. Iwasan ang mga temptasyon at ilagay ang enerhiya sa mga nakakabuting mga bagay. Huwag magpadalos-dalos dahil mga relasyon mo ang nakataya dito. Ibalanse ang propesyunal at personal na buhay at panagutan ito kung sa tingin mo ay ikaw ang may responsibilidad sa mga taong dumedepende sa’yo. Ang mga Cancer ay pinapayuhang ihasa ang kanilang mga senses at emosyon kung kailangan nilang makuha ang mundo. Gawin lamang ang mga bagay kung napagtanto na ang kabutihan at kasamaan nito.
Pangkalusugang Horoscope ng Cancer sa 2018
Sa pangkalahatan sinasabi na ang mga Cancer ay magkakaproblema sa kalusugan ngunit ang taong 2018 ay papabulaanan ito. Ang planetang Mars, Saturn at Jupiter ay magbibigay sa’yo ng enerhiya na pagbutihin ang pisikal at mental mong kakayahan. Ikaw ay mas magiging positibo sa panahong ito at gagawa ng positibong mga gawain. Kumuha ng isang sport at paunladin ang muscular na lakas at pisikal na stamina. Kumuha ng tamang motibasyon para matanggal ang masasamang nakasanayan na bumabagabag sa’yo. Kumuha ng positibong tayo at galaw sa tamang direksyon nang may enerhiya at lakas. Ang pagtatapos ng taon ay magdadala ng kaunting problema sa kalusugan na madaling malunasan.
Pamilya at Pamumuhay sa 2018
Ang mga Cancer ay nakitaan ng pagpapahalaga sa bahay at pamilya. Ngunit ang taong 2018 ay isang exception dahil iba ang kanilang prayoridad. Kukunin nila ang kanilang kalayaan sa kanilang mga kamay at pagbubutihin nila ang kanilang sarili. Ngunit may mga kaunting hadlang mula sa langit. Ikaw ay magbabago ng porma o tono ng relasyon base sa kagustuhan mo.Ang Venus ay nasa ikaapat na bahay sa gitna ng taon kung saan mamamayani ang domestikong pagkakaisa. May mapalad na mga pangyayari sa bahay. Kapayapaan at pagkakaisa ang mamamayani salamat sa iyong pagiging mapagbigay at tigas ng loob.
Taunang Edukasyon ng Cancer sa 2018
Ang edukasyon ay magiging mabuting aspeto sa mga Cancer. Ngunit sila ay pinapayuhang magbigay ng sobrang pagsisikap at commitment para umunlad. Pokus ang importante at ang susunod na prayoridad at ang maayos na pagpaplano. Ang iba ay makakapasok sa mas mataas na pag-aaral or pagsasaliksik na gusto nila. Ang mga pag-aaral na nasa larangan ng sining at humanidades ay magbibigay ng tagumpay para sa maghahangad nito.
Horoscope sa Paglalakbay sa 2018 sa mga Cancer
Ang paglalakbay ay mangyayari nang paulit-ulit buong taon para sa mga Cancer. Ang paglalakbay ay dadating sa anyo ng bakasyon, negosyo o serbisyo. Ngunit pinapayuhang maging handa sa lahat. Kailangan din ay alam nila ang klima ng lugar na bibisitahin at iangkop ang sarili nila dito.