Capricorn Horoscope 2018 | Hula 2018| Astrology 2018
Ang taong 2018 ay magiging lubos na matagumpay para sa mga Capricorn. Mailalabas mo ang ilan sa iyong mga unexplored at nakatagong talento. Gayonpaman, kailangan mong magsiyasat at kumilos kapag pag-uusapan ang mga malalaking desisyon. Ang resources ay darating sa pamamagitan ng mga contact at pananalapi mula sa lahat ng quarters.Magbibigay ito sa iyo ng ng kasiyahan at seguridad sa buhay. Ang pamilya at mga kaibigan ay magiging moral supporters sa iyo sa buong taon. Ang mga propesyonal na ambition ay maaaring maitago ang iyong personal commitments at responsibilidad, kaya ang isang balancing act ay inaasahan mula sa iyo para sa buong taon.
Career horoscope 2018 para sa Capricorn
Ang karera ay magiging magandang mapagkukunan ng lakas at outlet ng iyong pagkamalikhain para sa taong ito, Capricorn. Dahil sa iyong propesyonal na buhay, ang iyong mga social ambitions ay makakamit din. Bigyan ng isang bagong tali ang iyong mga kagustuhan at mga hinahangad sa pamamagitan ng iyong paghihihirap sa trabaho at determinasyon. Tutulungan ka ng Venus ng makabagong ideya para sa iyong karera. Makukuha mo ang magagandang kalooban ng mga nakakataas sa trabaho ngunit maaaring makuha rin ang galit o backstabbing ng ilan sa iyong mga kasamahan. Ang pagkakaroon ng paglilitis at paghahabla ay maaaring makaaapekto sa iyong career development. Asahan ang malalaking pagbabago sa kalagitnaan ng taon, ang ilan sa inyo ay maaaring magpalipat, ang ilan ay magkakaoon ng transfers at promotions. Ang mga nasa negosyo ay makikinabang ng malaki sa buong taon.
Pag-ibig at Pag-aasawa horoscope 2018 para sa Capricorn
Ang buhay pag-ibig ay magkakaroon ng katulad mula sa iyong mga nagawa sa nakaraang taon. Ang iyong konsepto sa pag-ibig at mga relasyon ay magkakaroon ng bagong kahulugan. Maaaring ang iyong partner o asawa ay mas mapamilit at agresibo, at mapupukaw nito ang iyong kaloob-looban. Ngunit kailangan mong ma-manage ang iyong emosyon. Maaaring makaapekto ito sa inyong pagsasama kung mawawalan ka ng control dito. Huwag agad-agad na magdesisyon kapag magkakaroon ng pagtatalo sa kapareha, bagkus, magkaroon ng kompromiso, dahil maaring magkaroon ng third party para dito at tuluyang masira ang inyong relasyon. Kailangang matutunang matanggap ang anumang imperfection o mali sa iyong partner. Ang mga single naman ay magkakaroon ng pagtaas sa kanilang sensuality at libido at makaka-attract ng posibleng makakapareha. Para sa iba, ang mga mga ex-partners ay maaaring lumitaw at makaapekto sa kasalukuyang pag-ibig. Sundin ang iyong reasoning power at mga kagustuhan. Ang pagkakaroon ng wastong pagkilos at pagiging kalma ay makakatulong sa pagkakaroon ng magandang lovelife sa buong taon.
Finance horoscope 2018 para sa Capricorn
Ang pinansyal na aspeto ay magiging sentro para sa karamihan ng mga Capricorn sa taong 2018. Ang unang bahagi ng taon ay magiging abala sa paggawa ng mas maraming pera. Ang ilan ay maaaring magpakasawa dito, ang iba, mas gustong magtipid. Mas mabuting maging balanse pagdating sa usaping pinansyal. Huwag padalos-dalos at umatras kapag ito’y makakaapekto sa iyong financial standing. Magkakaroon ng malalaking oportunidad sa mga investment at real estate estate deals. Ang pamilya at mga kaibigan ay magiging suporta kapag ang iyong finances ay hihina sa loob ng taon.
Payo sa Capricon sa 2018
Ang taong 2018 ay magandang panahon para sa pagsisiyasat ng sarili at reflection. Matutong magpahinga kung masyadong nagpapapagod sa trabaho. Pagakatapos ng araw, ang iyong inner self ang magsa-suffer. Maraming pagbabago ang maaaring mangyari, tanggapin ang mga ito ng may pag-iingat. Magbibigay ang taong ito ng maraming balakid at antala sa iyong mga pagsusumikap. Maging handa sa pagharap nito. Huwag maging pabagu-bago pagdating sa iyong long-term relationships o career commitments. Gawing prayoridad ang iyong mga ambisyon at goals sa buhay at pagtabahuan ito. Matutulungan ka ng Venus sa pagiging malikhain dito.
Health horoscope 2018 para sa Capricorn
Masisigurado ng planetary line-up ang iyong mabuting kalusugan para sa taon na ito. Magkakaroon ng pagkakaiba-iba ang iyong diet at mga gawaing pang-ehersisyo, gayunpaman, mas mananatili kang maging malusog at masigla sa darating na taon. Magkakaroon ng minor issues sa unang bahagi ng taon habang ang pangalawang bahagi ay mas magiging mabuti para sa iyo. Magiging mas stable ang iyong mental na kalusugan, habang ang iyong pisikal na kalusugan naman ay magkakaroon ng occasional stress at pagod. Ang ilan sa inyo ay madaling magkaroon ng nervous disorders and limb-related ailments sa gitnang bahagi ng taon. Ang magandang pahinga, relaxation, at recreational distractions ay mainam para sa iyo. Siguraduhing naka focus ka sa mga matutubig at organic na mga pagkain, kaysa sa mga processed at oily foods, kung hindi, magkakaroon ka ng intestinal disorders.
Pamilya at Lifestyle sa taong 2018
Mas magkakaroon ng kalayaan sa tahanan sa taong 2018. Hindi rin magkakaroon ng malalaking concerns o issues. Mananatili ang mga bagay katulad ng nagdaang taon. Ganunpaman, mararamdaman mong hindi mo nakukuha ang karampatang respeto at responsibilidad sa mga pang araw-araw na gawain. Maging kontento sa mga relasyong meron ka ngayon. Magandang magkaroon ng mabuting komunikasyon sa iyong mga magulang at mga kapatid.
Capricorn -Taunang Edukasyon 2018
Hindi masyadong magiging concern ang edukasyon para sa mga Capricorn sa taong 2018. Ang mga naghahangad ng mataas na edukasyon sa labas ng bansa ay maaaring mag-settle down sa mga lugar na gusto nila. Ang mga pagsusulit at mga bagay na nauuukol sa kompetisyon ay magiging matagumpay. Magiging rewarding din ang economics at managerial studies sa mga nagpupursige para dito. Ang ilan sa inyo ay madaling makakapasok sa mga internships sa inyong area of interest nang walang hirap.
Travel horoscope 2018 para sa Capricorn
Ang paglalakbay ang isa sa magiging problema para sa mga Capricorn sa buong taong 2018. Magkakaroon ng abala at sagabal kung may mga long term travel plans. Ganunpaman, mas mabuti kung panatilihin ang short trips kasama ang pamilya at mga kaibigan. Gayundin, gawin ang mga paglalakbay na kasya sa iyong bulsa. Maghanap ng mga discounts at group tours upang makamura. Magbibigay ng kasiyahan ang mga paglalakbay na ito sa iyong buhay.