GEMINI AT CAPRICORN
Kung mag-iibigan ang Gemini at Capricorn, maaring maging mahirap sa kanilang isipin kung paaano naging sila, dahil ang pamamaraan nila sa buhay ay sobrang magkasalungat. Kung ibabase nila ang kanilang relasyon sa pagmamahal at respeto sa isat’ isa, malalagpasan nila ang anumang kahirapan sa kanilang relasyon, ngunit kailangan nila itong paghirapan. Kailangan ng Gemini na makapag-isip ng malaya, dumedepende sila sa kanilang talino at intelekwal na kakayanan sa pagharap sa buhay. Nakatuon naman sa pag-unlad at estado ang Capricorn; nakadepende sila sa pagtupad ng mga gabay at paghahahanap ng mga subok at totoong mga pamamaraang susundin para magtagumpay, kahit gaaano man ito katagal gawin. Gusto ng Gemini ang mga short cut; ang Capricorn, maging sigurado. Ang kanilang magiging pagsubok bilang pares ay ang kung paaano magkaroon ng parehong bilis para dumating sa parehong panahon, sa parehong lugar.
Tahimik ang Capricorn, na kapansin pansin kahit na sa pagiging outgoing, natural na pagkamasayahin ng Gemini. Sila’y malumanay, steady, at may katigasan ng kalooban habang ang Gemini ay flexible at madalas pabagu-bago ng isip. Mabilis makapag-isip ang Gemini at nakikita agad ang mga problema sa mga bagay, habang mahirap kumbinsihin ang Capricorn na mas mabisang paraan ang short cut kaysa sa mga paraang may katagalan na alam nilang magtatagumpay sila. Ganunpaman, kung maiintindihan at magagamit nila ang kanilang pamaaraan, mas malaki ang kanilang mapagtatagumpayan ng magkasama kaysa mag-isa. Bagay ring business partners ang dalawa bukod sa pagiging magkasintahan.
Hindi masyadong ginagamit ng Gemini ang emosyon, at magaan sa kanila ang buhay pag-ibig gaya ng ibang bagay sa kanilang buhay. Maaaring maapektuhan ng Capricorn ang pagiging masayahin at masigla ng Gemini kung hindi nila susubukang limitihan ang mga sarili at hindi hahayaang gawin ito ng bawat isa.
Praktikal, steady, at maaasahan ang Capricorn. Hindi nila gagawin ang isang bagay kung nakikita nilang wala silang makukuha dito. Ang Gemini naman ay theoretical, at analytical; sinusunggaban nila anuman o saan man sila dalhin ng kanilang mga ideya. Kung naitatanong ng Capricorn sa sarili na, “Ano ang maidudulot nito sa mga plano ko sa buhay?” ang Gemini ay patuloy lamang sa kanyang buhay kahit hindi planado.
Sinisimulan ng Capricorn ang mga bagay; gusto nilang sila ang kumo-kontrol. Flexible at masaya ang Gemini na sundin ang Capricorn--basta hindi sila pinipilit sa anumang bagay. Kailangan nilang maramdaman na malaya silang sumang-ayon, tumutol at pumili sa kanilang kagustuhan, at kung mararamdaman nilang pinipilit sila, magiging tahimik sila at parang hindi makakausap ang bawat isa. Kung mahalaga sa kanila ang kanilang relasyon at gustong magtagal ito, kailangan nilang matutunan ang mag-kompromiso at bigyan ang bawat isa ng panahon para makapag-isa paminsan-minsan.
Ang pinakamagandandang aspeto sa relasyong Gemini-Capricorn? Naibibigay nila ang kanilang sariling mga kalidad sa relasyon. Kapag nahahayaan nila ang bawat isa na maging malaya--kaysa diktahan ang bawat isa sa mga imposibleng bagay-- sila’y maaaring maging isa at buo. Challenging ang kanila ng relasyon, ngunit kung matutunan nila nag bawat isa, sulit na maging sila!