GEMINI AT PISCES
Empathetic o nakakaunawa at parehong napapaligaya ng Pisces at Gemini ang bawat isa kung sila ang mag-iibigan. Ang Gemini ay mabilis makapag-isip, matalino at magaling sa pananalita, at matutulungan ang Pisces na maka-focus sa pananaw nito sa buhay. Likas na madaling nakakaintindi ang Pisces; malalim ang kanilang koneksyon sa iba at ang kanilang pagkagusto sa mga pangarap ang dahilan para maging bukas ang kanilang isip sa anumang bagay--sa madaling salita, inaasahan na nila ang hindi inaasahan. Bukas din ang pag-iisip ng Gemini; flexible at mabilis itong makapag-isip, ang Kambal ay kayang makita ang lahat ng anggulo ng isang isyu at makipag-communicate sa ibang tao. Nangangahulugan ng flexibility at koneksyon ang kanilang relasyon.
Mabuting magkaibigan bukod sa pagiging magkasintahan ang dalawa. Emosyonal na sensitibo ang Pisces at nasasaktan ang kanilang damdamin kung magsasalita ng masakit at hindi ito iniisip ng Gemini. Ngunit kahit magkakaproblema ang dalawa, madali sa kanila ang makalimot at magpatawad. Wala sa kanilang dalawa ang may rason para magkimkim ng galit, dahil naiintindihann ng Pisces ang intensyon ng kanilang kapareha, at ng Gemini dahil wala silang panahon para manatili sa mga nakaraan.
Naiintindihan ng Pisces sa malalim na level ang mga bagong ideya ng Gemini. Ang kombinasyon ng kanilang intelektwal na focus at emosyon ang nagpapatibay ng kanilang mga desisyon; marami silang mapagtatagunpayan kung magkasama nila itong gagawin. Ang magiging problema nila ay sa komunikasyon, na magreresulta kung nararamdaman ng Pisces na hindi sapat na maunawain ang Gemini, o kung nararamdaman ng Gemini na nahaharangan siya ng pagiging sensiibo ng Pisces sa emosyon nito. Ang maganda sa kanila, pareho nilang gustong malagpasan ang ganitong mga sakitan ng damdamin.
Bagay na magkapareha ang dalawa. Parehong adaptable, flexible, at kayang harapin ang mga pagbabago. Gusto rin nilang baguhin ang kanilang mga isip, kaya magandang sa kanila na parehong bukas ang pag-iisip sa mga bagay. Wala sa kanilang dalawa ang gustong mamuno sa kanilang relasyon, pareho nilang naibibigay sa bawat isa ang malaking espasyo at kalayaan.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Gemini-Pisces? Ang kanilang parehong interes na mapalago ang kanilang kaalaman at paggamit ng kanilang talino. Bagay na bagay sila sa pagiging flexible. Ang kanilang mga interes at parehong personalidad ang dahilan para maging bagay sila sa isa’t isa sa kanilang relasyon.