GEMINI AT SAGITTARIUS
Sa pag-iibigang Gemini at Sagittarius, ito’y maaaring magaling na pagtatambal! Bagay na bagay ang dalawa para sa isat’ isa; Anumang hindi pagkakasunduan ay maaayos ng dalawa kung susubukan nilang maayos ito. Maibibigay ng Gemini sa adventurous na Sagittarius ang kalayaan na kailangan nito sa iang relasyon, dahil kailangan din ito ng Gemini. Habang kailangan ng Sagittarius ang pisikal na kalayaan, kalayaang mental naman ang hangad ng Gemini. Gustong-gusto ng dalawa ang mga bagong karanasan, tao, at sensasyon, at siguradong magkakaroon ng magagandang pakikipagsalaran nang magkasama. Parehong hilig nila ang gawin ang mga bagong bagay para sa karanasan. Magandang magkaibigan din ang dalawa, hindi lang bilang magkasintahan. Naiintindihan nila ang bawat isa, at may parehong pananaw sa buhay, sa pangkalahatan, base sa pagiging positibo at masiglahin. Pwedeng maging taklesa ang Sagittarius, masasabi ang mga bagay na hindi muna iniisip kung makakasakit ba ito o hindi, pero medyo may katigasan din ang Gemini, at katulad ng Sagittarius, nalilimutan din ito at madaling magpatawad. Wala silang panahon o interes para magkimkim ng galit.
Sila’y isang magandang pares--Nakakaisip ng mga bagong ideya ang Gemini at handa naman itong sabayan ng Sagittarius hanggang sukdulan.
Aktibo rin ang kanilang relasyon. Natutulungan ng Hangin ang Apoy na mapalaki ito, at tumaas ang kapangyarihan. May epekto ang bawat isa nang magkasama. Maapoy at maalab ang kanilang relasyon; palaging meron sa kanila. Minsan, magkakaroon sila ng mga argumento at magkakasakitan ng damdamin; magkasalungat ang dalawang Sign na ito sa Zodiac, na nangangahulugang mayroon silang at masalimuot na koneksyon. Sa ibang salita, kapag maganda, ito’y magandang maganda, kapag hindi, ito’y magiging terible. Sila’y maaaring mag-away kung sino ang dapat mamuno sa kanilang dalawa; Maaring magkaroon sila ng kompetisyon na pwedeng uminit sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang maganda sa kanila, kahit na meronn hindi pagkakaintindihan, hindi naman ito magtatagal-- masyadong abala ang Gemini para sa mga bagong bagay para magkimkim ng galit, at mapapatawad naman ng Sagitarrius ang anumang bagay pwera na lang kung walang respeto ang kanilang mangingibig na Gemini. Bagay na bagay ang dalawa. Ito’y isang magandang bagay sa dalawa, kung mag-iiba ng isip ang Gemini sa kalagitnaan, hindi ito nagiging problema at kayang-kayang sabayan ito ng Sagitarrius. Kung gustong mag travel ng Sagittarius, sasang-ayunan naman ang Gemini ito.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Gemini-Sagittarius? Ang kanilang parehong interes sa pagpapayaman ng kaalaman, paggamit ng kanilang talino at ginagawa ito. Bagay na bagay sila sa kanilang pagiging masaya, mga gusto, at lakas. Ang mga parehong interes at personalidad ang dahilan para maging bagay ang dalawa.