GEMINI: Ano kapalaran ko sa 2018? Hula at swerte sa pera, pagibig, kalusugan

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang taong 2018 ay magdadala ng malikhain at produktibong panahon para sa mga Gemini. Ikaw ay makakakilala ng madaming tao at ang komunikasyong ito ay magbibigay alas sa iyong buhay propesyonal. Kung ikaw ay mas nakikinig at hindi masyadong nagsasalita, ikaw ay mas magtatagumpay ngayon di tulad ng dati. Ang Venus ay tutulong sa iyo na iwasan ang makalat na pag-iisip at ipokus ang enerhiya sa mabubuting ideya at ugali. Magtiyaga at dumikit sa mga ambisyon para magtagumpay sa iyong mga plano.

Horoscope pang Karera sa 2018 ng Gemini

Ang iyong bilis ay babagal ng kaunti pagdating sa inaasam asam mong karera sa taong 2018. Kaya ito ay magandang panahon para mag-isip at iayos ang mga ambisyon at direksyon sa buhay. Maaari kang magbago ng ibang aspeto, lumipat ng lugar at baguhin ang iyong layunin sa karera sa darating na taon. Ikaw ay matututo ng bagong mga paraan sa trabaho o negosyo kung saan malaki ang pag-unlad. Maging bukas na matuto ng bagong mga kasanayan, trabaho at kaalaman sa larangan ng iyong karera. Habulin ang iyong layunin ng mabuti at huwag asahang susuportahan ito ng mga tao sa paligid mo. Ito ay iyong hinaharap at ikaw ang responsible sa kailangan mong gawin.


Pag-ibig at Kasal na Horoscope sa 2018 para sa Gemini

Ang iyong buhay pag-ibig ay magkakaroon ng bagong kahulugan at bagong patutunguhan sa taong 2018. Kakayanin mong patayin ang ilang aspeto ng hindi na kailangan ang relasyon sa iyong buhay at habulin ang bagong mga relasyon. Para sa iba sa inyo, ang taong ito ang pinakamasama sa pag-ibig o pag-aasawa. Baguhin at maghanap ng bagong solusyon para mapanatiling buhay ang relasyon buong taon. May sapat na saklaw para sa pakikipagsapalaran at romansa para sa mga may relasyon na. Kung nanganganib ang relasyon, ito ang perpektong oras para ayusin ang di pagkakaunawaan at matapos ang mga bagay bagay. Ang mga kasal na ay kakayaning pag-usapan ang kanilang kailangan at kagustuhan mula sa kanilang mga partner ng mas mabuti sa ngayon. Huwag mag-aksaya ng oras sa hindi importanteng awayan at sa halip at tignan ang mga positibong bagay sa buhay. May malalaking pagkabigo ang posibleng mangyari ngayong taon sa iyong buhay pag-ibig.


Horoscope Pinansyal para sa Gemini ngayong 2018

Sa taong 2018, may nakikitang katatagan sa dati nilang hindi matatag na pinansyal na katayuan. Magkakaroon ng mga oportunidad para gumawa ng pang matagalang investment. Ang iyong budget ay maaaring mangailangan ng pagbabago habang tumatagal ang taon. Ang isang patuloy at matatag na pagtubo ay nakikita sa iyong pinansyal na pamumuhay ngayong taon. Ang taong ito ay magandang panahon para makipag-ayos ng ilang pinansyal na bagay para sa mas magandang kita at resulta. May magandang pasok ng pera mula sa nakaraang mga kasunduan. Mapupuno ang mga kamay mo ng pinansyal na puhunan sa pagtatapos ng taon. Huwag umutang, mag loan at iba pang bill at harapin ang taon ng may mas mabuting seguridad pinansyal.

 

Payo sa Gemini sa 2018

Ang mga Gemini ay mayroong magandang suporta ng Saturn at Venus buong taon, kaya mas kaunting sakit ang mararanasan. Ngunit siguraduhing ibigay ang lahat ng lakas at hirap sa paggalaw paharap sa buhay. Maging positibo at maglaan ng oras at pera para mag relax at sa luho. Ngunit huwag namang hindi gumalaw, sa halip ay maglaang magtatagumpay sa iyong mga balak. Subukang abutin ang kapayapaan at pagkakaisa sa iyong paligid ngayong taon. Huwag hayaan ang emosyon at senswalidad ang mamayani sa iyo.


Horoscope Pangkalusugan para sa Gemini ngayong 2018

Ang iyong kalusugan ay bubuti sa taong 2018, salamat sa epekto ng Venus at Jupiter. Siguraduhing ang kinakain ay magpapataas ng immunity level mo. May ilang mga Gemini ang baka magkaroon ng nervous breakdown. Panatilihing mataas ang moralidad dahil makakatulong ito sa iyong pisikal at mental na kabutihan pangmatagalan. Huwag magsigarilyo at uminom at kumain ng sobra sobra. Ito may may pangmatagalang epekto sa pangkalahatang kalusugan mo. Huwag maging negatibo sa buhay. Ang iyong kalusugan ay laging may tabon buong taon salamat sa magandang pangangatawan at mas mabuting pagkain. Huwag kalimutang umasa sa bitamina at mineral na suplemento para mapabuti ang lebel ng enerhiya


Pamilya at Pamumuhay sa 2018

Ang mga Gemini ay magkakaroon ng importanteng pagbabago sa kanilang pamilya at pamamahay. Maraming pabago-bago ng modo, pag-aalala at pagkabalisa. Ang iyong pambahay na interes ay mag-iiba iba ng sobra buong taon. Ngunit ang relasyon sa mga kapatid at nakakatanda ay magiging maganda. Maaari mo pang daanan ang mga hadlang galing sa pamilya pagdating sa pag-ibig. Ang Mercury ay magdadala ng paminsang minsang bugso ng saya at hirap sa pamilya habang tumatagal ang taon. Sa ikalawang hati ng taon, ang Venus ay tutulong sa iyo.

 

Taunang Edukasyon sa Gemini sa 2018

Ang mga Gemini ay magkakaroon ng hindi magandang taong darating pagdating sa edukasyon at mataas na pag-aaral. Magkakaroon sila ng hadlang sa daan. Pati ang competitive exam at mga interbyu sa trabaho ay magdadala ng kabiguan. Ngunit sa pagpupurisigi at determinasyon pati paghihirap sa trabaho buong taon ang magbibigay oportunidad na magtagumpay sila sa susunod na taon.


Horoscope Sa Paglalakbay Para Sa Gemini Sa 2018


Ang paglalakbay ay hindi abot sa karamihan sa mga Gemini sa 2018. May mga paglakbay na pwedeng mangyari ngunit dapat alam nila ang posibleng aksidente at isyu sa kalusugan. Ang pang relax na paglakbay ay hindi bubunga ng mabuti pati na din ang paglakbay para sa karera at negosyo.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.