Goat Chinese Horoscope 2017: Ano kapalaran ko sa Pera, Trabaho, Swerte Kalusugan

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang 2017 na taon ng Tandang ay hindi magandang taon para sa Tupa dahil makakasalamuha mo ang mga malas na bituin na lubhang makakaapekto sa iyo. Ikaw ay may malaking pagkakataong maaksidente. Buti na lang at ikaw ay mababasbasan ng tatlong masuswerteng bituin.

Ngunit ang kapangyarihan ng malas na mga bituin ay mas malakas kesa sa swerteng mga bituin kaya ang kapalaran na magbabago dala ng swerteng mga bituin ay kaunti lamang. Sa pangkabuuan, makikita mo ang iyong kapalaran na klaro at tamang magbabago sa taon ng Tandang at matututo kang maging maingat at masinop para maiwasan ang ano mang sakuna sa 2017.


Karera

Sa 2017 ay magkakaroon ka ng ordinaryong swerte sa karera at magkakaroon ka ng maraming problema sa ilalim ng impluwensya ng malas na mga bituin. Kayong mga trabahador ay magiging pagod dahil makakaranas ka ng maraming hindi inaasahang problema at baka makita mo ang sarili mo sa ilang mga isolated na sitwasyon. Para sa inyong nasa management at business, ang performance ng iyong team at buong kumpanya ay bababa dahil sa pabago-bagong market sa taong ito kaya kailangan mong gumawa ng initiative para magbago at mag innovate, buksan ang market sa mga bagong channels at pamamaraan, makipag usap ng mas madalas sa mga nasa labas, making sa mga opinyon ng empleyado at makipaghabulan sa bilis ng panahon upang pangunahan ang team para mag stand out sa gitgitang kompetisyon.


Pera

Sa taong ito, kayong mga taong nasa ilalim ng zodiac sign ng Tupa ay hindi magkakaroon ng swerte sa pera at maaari kang magkaroon malaking problema sa pera na magreresulta sa masikip na budget kaya kailangan mo itong paghandaan ngayon pa lang, subukang dagdagan ang iyong income at bawasan ang gastos at kontrolin ang gastos para maiwasang kulangin sa pera. Kailangan mong magdeposit ng malaking petty cash. Ang iyong swerte sa pagdating ng pera ay puno ng pagtaas-baba kaya hindi bagay sa iyo ang mga delikadong investments.


Pag-ibig

Kayong mga Tupa ay magkakaroon ng madalang swerte sa pag-ibig. Sa madaling salita, kayo ay magkakaroon ng mabungang swerte sa opposite sex na hindi magbebenepisyo sa iyong karera at pera ngunit magdadala ng bagong pagbabago sa buhay mo kung tatratuhin mo ito ng maayos. Buti na lang na kahit na pabago-bago ang iyong swerte sa opposite sex, ang kapalaran ay madalas na masama dahil karamihan ng mga kaibigan mong opposite sex ay nagmumula sa mga social engagement o interactions sa trabaho habang iyon namang makakadala talaga ng kasiyahan sa iyo ay kaunti lang at kahit na may taong ganon, mahihirapan kang kunin ang oportunidad na ito.

Para sa inyong in love o kasal na, kayo ay magkakaroon ng mas maraming social engagements at pagtitipon para makakilala ng iba’t-ibang kaibigang opposite sex. Magkaka crush ka sa ilan sa kanila kaya mas magiging madali ang mga extra marital na affair. Kaya dapat kang dumistansya sa mga kaibigang ito sa trabaho at buhay at huwag masyadong maging malapit sa kanila para maiwasang saktan ang iyong partner o pamilya.


Kalusugan

Magkakaroon ka ng problema sa kalusugan nang wala man lang senyales. Ang tanging magagawa mo lang ay siguraduhin ang iyong mental na kalusugan at iwasan ang pagiging masyadong negatibo na dinudulot ng sakit. Dagdag pa, ang depressed na karera at pagbaba ng kalusugan ay magdadala ng sikolohikal na impact kaya madaling bababa ang iyong kalusugan.


Kung gusto mong mapanatili ang iyong magandang kalusugan, kailangan mong matutunang bawasan ang pressure sa sarili mo at lumabas labas para mag ehersisyo at magrelax. Kung kailangan, subukan mo ding magpagamot sa psychologist para sa iyong mental balance.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano kapalaran ko ngayung december 2017
at sa 2018 sa pera health and trabaho.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.