Kayong mga pinanganak ng Kabayo ay magkakaroon ng magkahalong kapalaran ngayong taon ng Apoy na Tandang. Dahil sa biyaya ng masuswerteng bituin, kayo ay magkakaroon ng magandang kapalaran sa pangkalahatan; dahil naman sa impluwensya malas na bituin. Ngunit baka ikaw ay magkakaproblema sa mga relasyon mo sa iba at kalusugan.
Sa kabuuan, kayong mga Kabayo ay magkakaroon ng malalaking pagbabago sa inyong kapalaran at kailangan ninyong maging handa sa pagtaas-baba nito. Sa taong ito, kailangan ninyong iayos ang inyong kaisipan at maging positibo sa harap ng pagkabigo para matuto, ngunit malulutas ninyo ang mga problema agad agad sa tulong ng iba. Hindi kayo dapat maging kampante sa harap ng tagumpay at baka kayo ay mapagbintangan ng mga kontrabida sa buhay ninyo kung hindi kayo mag-iingat at agdadala ito ng mga pagsubok at kawalan sa trabaho at buhay.
Karera
Sa 2017, kayo ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa trabaho at maaaring makaranas ng dalawang extremes. Dahil sa basbas ng ilang masuswerteng bituin, kayo ay tutulungan ng iba at makakakuha ng bagong oportunidad para makipagtulungan basta’t magtrabaho ng mabuti, mag innovate at aktibong buksan ang mga bagong markets at palawakin ang iyong interpersonal network. Ngunit kung hindi mo pag-iigihan at sasabay ka lang sa matagumpay na tao, ikaw ay magiging prone sa away at hindi magkakaroon ng pag-unlad sa trabaho o aangat sa kumpanya dahil sa malas na bituin.
Kailangan mong mas igihan ang trabaho at bawasan ang dada sa taong ito, ang huwag maging arogante kahit na marami kang magiging achievements sa trabaho kasama ang team para maiwasan ang kainggitan ng iba. Kailangan mong maging masinop sa pagdedesisyon na magpalit ng trabaho dahil ang mga gawain at sweldo ng bagong trabaho ay pwedeng maging mas inferior kumpara sa kasalukuyan dahil sa mga hindi nakitang sirkumstansya sa taon. Ngunit ang taong ito ay bagay para sa mga kabayo na lumabas at makakuha ng oportunidad na maglakbay para sa imbestigasyon o business trip kung saan ka makakakuha ng bagong impormasyon at mga oportunidad.
Pera
Dahil sa magandang swerte sa karera, magkakaroon ka ng mas maraming oportunidad para kumita at makaipon. Ngunit kakaharapin mo ang sitwasyon na bumili ng katahimikan, na magreresulta sa sakit sa’yo at sa iyong pamilya, na kakailanganin ng pera para maayos.
Sa paraang ito, kayong mga Kabayo ay kikita ng madalian ngunit dadanas din ng malakihang gastos kaya importante sa’yo na mag-ipon ng pera ng mas maigi. Hindi ka din minumungkahing gumawa ng delikadong investments o umutang.
Pag-ibig at Relasyon
Sa 2017 kayo ay magkakaroon ng magandang swerte sa opposite sex, ngunit lahat ng ito ay hindi magiging pabor sa iyo kayong mga Kabayo ay may magandang kapalaran sa mga interpersonal relationship at makakakilala kayo ng iba’t-ibang klase ng miyembro ng opposite sex sa trabaho at sa buhay. Kung ikaw ay tapat at nakafocus sa pag-ibig, makikilala moa ng tamang tao para sa iyo.
Para sa inyong mga Kabayo na may relasyon o kasal na, pagtuunan ng atensyon ang iyong relasyon sa iyong iniibig, dalasan ang komunikasyon sa isa’t isa at ikonsidera ang iyong partner, kung hindi ay madali kayong mag-aaway at haharap sa krisis kapag magpatong patong ang problema. Importanteng tandaan na kayong mga Kabayo ay makakakilala ng iba’t-ibang kaibigan mula sa opposite sex dahil sa swerte sa opposite sex sa taon at magugustuhan at makakasundo ninyo ang isa’t-isa matapos ang palagiang komunikasyon kaya kailangan mong maging maingat sa mga extramarital affairs na nangyayari kung aaktuhan mo ang iyong impulse at tratuhin ang iyong emosyon at pagsasama nang maayos.
Kalusugan
Kayong mga Kabayo ay mamalasin sa iyong kalusugan kaya kailangang bigyan ng atensyon ang kalusugan mo at ng iyong pamilya. Kung ikaw ay may lumang karamdaman, kailangan mong regular na magpakonsulta para maiwasang maulit ito. Kayong mga senior na Kabayo ay makakaranas ng arthritis, cervical spondylosis o iba pang pangkaraniwang sakit pang matanda. Magiging mahirap iwasan ang hindi magkasipon o lagnat kapag nabago ang klima. Buti na lang at ang karamihan ng mga problema ay malulutas dahil sa swerteng dala ng mga mabubuting bituin.